Chapter 9: Tour

101 8 2
                                    

A/N: WARNING⚠️: mention of su!cide








Pangalawang araw ko na dito sa purgatory, kahapon natapos ang unang trial ko sa First Terrace naging okay naman ang kinalabasan ng lahat at bukas ay ang aking pangalawang trial na kahit may kaonting kaba sa aking didbdib ay isasantabi ko muna dahil ngayon ay ililibot ako ni miss Zel sa Purgatory, oh and every other day lang pala nagaganap ang trial kaya bukas ulit ang paglilitis ko.

Hindi pa rin ako nagpapalit ng damit at ganon pa din ang suot ko, simple red dress noong namatay ako sigh miss na miss ko na sila mom and dad, sana makita ko sila ngumiti ako ng mapait dahil doon.


Iwinaksi ko na lang ang naisip ko at lumabas na ng kwarto dahil tapos na rin naman akong mag ayos, ang inayos ko lang naman ay ang aking buhok at ang pinagtulugan ko.

Nakita ko si miss Zel ay este si Kierra pala hehe second name basis kami para kwits diba na pirenteng naka upo sa couch ng makita naman niya ako ay agad din itong tumayo.

Ang ganda talaga ni Kierra naka suot pa din siya ng black suit na parang pang butler na hapit na hapit sa kanya, kaya kitang kita ang magandang hugis ng katawan nito parang hourglass yung katawan ni Kierra sa sobrang sexy hindi ko naman namalayan na I'm checking her out na pala kaya nahuli ko siyang naka smirk sakin.




Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan sa hindi ko din malaman na dahilan basta ang alam ko lang ay naiirita ako sa smirk niya kasi parang mapang-asar ang smirk niyang iyon.


"am I sexy?"


Nag init ang pisngi ko kaya naman hindi nako sumagot at umirap na lang ulit bago siya iwan at naunang lumabas ng unit ko. Nauna na din akong bumaba sa lobby para doon na lang siya hintayin.


Nang makababa ay umupo ako sa isang malaking couch na kulay gray, pinagmasdan ko na lang ang mga kaluluwang nadaan yung iba ay kasama ang kanilang grim reaper at yung iba naman siguro mga kapwa elita din nila.


"hey Thalia!" sigaw ng kung sino, hinanap naman ng paningin ko ang sumigaw na iyon at sa hindi kalayuan ay nakita ko si Leola na kumakaway kaway sakin kasama ang dalawa pang babae sa likod nito, yung isa ay mukhang bad trip habang yung isa naman ay nakangiti lang at may kalmadong awra.



Lumapit sila kung saan ako naka upo na siyang ikinatayo ko "Hi Leola" bati ko dito


"asan si Lumiere, Thalia? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong nito sakin bago tumingin sa bandang lukuran mo para hanapin si Kierra


"she's not here nasa taas pa siya"


"Oh I see. Btw meet my elita Valeska Carter and my partner Yasu" inabot naman nung babaeng nakangiti kanina na si Yasu ang kanyang kamay para makipag-shakehands na siyang tinanggap ko naman "Thalia, Thalia Ava D. Thompson, Nice to meet you" tyaka ngumiti sa kanya ng  bahagya, nilipat ko naman ang tingin ko don sa babaeng hanggang ngayon ay mukhang bad trip pa din she looks like a brat




Siniko naman siya ni Leola "what?" mataray nitong tanong sa isa, tumingin si Leola sa kamay ko na ngayon ay nakalahad sa kanyang harap wala naman nagawa si Valeska at inabot na din ang kamay ko

buti naman nangangalay nako eh




"partner? as in girlfriend?" inosenteng tanong ko kay Leola, hindi naman sa homophobic ako okay lang naman sakin ang ganyang klaseng relasyon buhay naman nila yon tyaka mukha kasing straight sila kaya nakakapagtaka


Nagulat ako ng biglang natawa si Leola habang si Yasu naman ay nagpipigil tuwama at si Valeska ay mukhang bored na bored na "No, no partner as in partner ko sa pagiging grim reaper, she's like my right hand ganon. Why hindi paba nasasabi ni Lumiere? And hindi ko pa din nakikitang kasama niyo si Cozbi ha" partner sa pagiging grim reaper? right hand? Cozbi? gosh gulong gulo na ang isip ko ngayon sakit naman nito sa ulo ugh!



Angel of Death: Azazel(ON HOLD)Where stories live. Discover now