Chapter 21: School

46 3 0
                                    


Nandito na kami sa harap ng kwarto ng sinabi ni Kierra kanina. Katulad sa bahay namin ay malaki din ito actually mas malaki pa ang bahay na ito ng ka onit keysa sa'min, maayos din ang mga gamit at halatang maya't maya nililinis ang bawat sulok ng bahay. Ang kinaibahan lang ng bahay kung na saan kami ngayon sa bahay ko noong nabubuhay pa ako ay ang ambiance nito, kung ang ambiance kasi ng bahay namin nila mom at dad ay warm, tahimik at payapa, dito naman ay hindi, ang bigat sa pakiramdam ng bahay na ito, maganda nga siya pero ramdam mo ang lungkot nito. Gloomy ang bahay dahil wala din itong masyadong dekorasyon o palamuti, kahit na nga picture o paintings ng naka tira dito ay wala eh.

Pag akyat sa hagdan ay may makikita kang tatlong kwarto, nilagpasan namin ang pang una't pangalawang kwarto at dumiretso sa pang huli. Kulay asul ang pinto nito hindi katulad sa mga naunang kwarto na kulay beige.

Hinayaan kong mag gala ang mga tingin ko sa kabuuan ng kwarto, malinis siya at well organized ang mga gamit. May study table sa may kaliwang bahagi pagkapasok ng pinto, sa gitna naman ay isang hindi kalakihang kama na kulay blue kung saan may isang batang lalaki na natutulog ng mahimbing. Siya siguro ang sinasabi ni Kierra kanina

Nilapitan ko siya at pinagmasdan ng mabuti ang mukha nito, matangos ang ilong niya, maputi din sita at may mahahabang pilik mata, may mga maliliit na nunal din siya sa Iba't ibang parte ng mukha niya hanggang sa leeg.

"This dude is quite handsome" sabi ni Vale na nasa tabi ko na pala ngayon. Mariin niya ding pinagmamasdan ang itsura ng lalaki na natutulog

"You're right, he's handsome" singit naman ni Endri na nasa harap namin ni Vale. Tumango ako sa kanila at nag sabi ng I agree na may kasamang thumbs up

"pshh saan ang pogi dyan? Bulag ba kayo?" tanong ni Leola nang makalapit sa'min at siyang pumalit sa pwesto ko kanina, inilapit niya pa ang mukha niya sa lalaki habang masamang nakatitig dito, gumalaw ng bahagya ang lalaki na para bang magising na siya kaya dali daliang hinila ni Vale ang kwelyo nung isa papalayo sa natutulog na lalaki

"You idiot!" singhal nito at hinampas ng mahina si Leola sa may braso "you almost wake him up"

"Edi goods para maka alis na tayo dito" mahinang saad ni Leola habang hinihimas ang kanyang braso, inikutan lang siya ng mata ni Vale dahil doon

Pansin ko na naka tingin din ng masama si Kalea sa lalaki habang katabi si Endri na hawak na niya ngayon sa braso.
ano kaya ang problema niya?

"Everyone one gather up" walang emosyong wika ni Kierra at tumabi sa'kin "We should holds hands for us to enter his dreams in one go" kukuhain ko na sana ang kamay ni Leola pero pinagpalit ni Kierra ang posisyon namin, ngayon ay nasa dati ko na akong pwesto kung saan sa pinaka dulo katabi ko si Kierra at katabi naman niya si Leola. Naghawak kami ng kamay at hinawakan ni miss Clarisse ang noo ng lalaki  tyaka kami naka pasok sa panaginip niya.

Pumikit ako dahil sa matinding liwanag na sumalubong sa mga mata ko, pag dilat ko ay nasa harap na kami ng isang malaking building na may naka lagay na Vialle University namangha ako sa nakikita ng aking mga mata ngayon. Tanda ko pa noong nabubuhay pa ako ay pangarap ko maka pasok sa totoong eskwelahan at pinilit ko pa nga noon sila mom na ipasok na ako sa school ngunit dahil sobrang mahal nila ako at ayaw nilang lumala ang sakit ko, hindi sila pumayag kaya naman hanggang sa namatay na lang ako ay hindi pa rin ako nakakaranas na pumasok sa tunay na eskwelahan.

"A-ava are you hurt?" nag aalalang tanong sa'kin ni Kierra. Inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama namin ng may halong pagtataka, bakas sa itsura nila ang pag aalalan ngunit hindi ko naman mawari kung bakit hanggang sa bigla na lang lumapit sakin si Kierra at tinanong ako

"Ava what's wrong? Are you hurt? Can I hold you?" she asked in a very soft tone, tumango ako sa kanya kahit pa naguguluhan ako sa tanong nito

huh? I'm crying?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel of Death: Azazel(ON HOLD)Where stories live. Discover now