Huminto ako sa paglalakad at agad kong nilingon ang nasa likuran ko upang malaman kung sino ang walang pasabing humawak ng kamay ko. It's Cozbi, siya yung bigla na lang humawak ng kamay ko, tinignan ko siya ng seryoso para malaman niya na hindi ko nagustuhan ang biglaan niyang paghawak sa'kin
"Oh I'm sorry" binitawan din naman niya agad ang kamay ko siguro ay dahil sa tingin na ipinupukaw ko sa kanya "Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin"
"Ah sorry, hindi kasi kita narinig" ngumiti lang siya at tumango sa naging sagot ko
"Well maybe kasi you looked like you're in a deep thought" ganon na ba kalalim ang iniisip ko para hindi ko marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko? I don't think so
Sa totoo lang ay kanina pa hindi mawala wala sa isip ko kung ano ba ang nangyari dati kila Kierra at Cozbi, curious talaga ako kung bakit parang mainit ang tensyon ng dalawa sa isa't isa pati na rin kung bakit sinabi nila Vale at Endri na hindi ko dapat pagkatiwalaan itong si Cozbi.
Natigil ang pag iisip ko ng marinig kong tawagin ni Cozbi ang pangalan ko habang ikinakaway ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko
"Thalia? You're spacing out" geez did I really space out while talking to her? nakakahiya!
Nahihiyang nag iwas tingin ako sa kanya at tumikhim "Ahem sorry about that may inisip lang. Anyways bakit mo nga pala ako tinatawag?" tanong ko dito
"Ah yes, about that kasi I want to walk besides you kaya kita tinatawag, ang bilis mo din pala maglakad noh" hmm okay lang naman dahil wala namang mali sa gusto niya eh. Papayag na sana ako sa nais niyang mangyari ngunit naunahan na akong magsalita ng nasa likod ko
"She will walk besides me" sabi ng nasa likod. Seryoso ang itsura ni Kierra ng nilingon ko siya, napatingin ako sa mga kasama namin at tama nga ang hinala ko, huminto din sila at walang imik na pinapanood kami akala ko naman ay nauna na sila
"Nauna akong magtanong sa kanya" ghad I think I know na kung saan ito patungo haist
"Do I look like I care?" pinanlakihan ko ng mata si Kierra dahil sa sinabi niya pero dahil diretso siyang naka tingin kay Cozbi ay hindi niya iyon napansin
"You're being rude again Azz" kunot noong saad ni Cozbi
"I'm not, I just really don't care about what you say" at sa ikalawang pagkakataon ay masama na naman ang tingin nila sabi ko na nga ba eh mainit na naman ang tensyon sa pagitan nila
"Kierra" hinawakan ko ang laylayan ng mangas, mahinang tawag ko kay Kierra sapat lang para marinig niya. Binaba niya ang tingin niya sa'kin, mas matangkad kasi siya at hanggang dibdib niya lang ako
"Stop it you two. Lia will walk with us" lumapit sa gawi namin si Vale at tinignan ng masama yung dalawa
Huminga ng malalim si Kierra at muling tumingin sa'kin "Is that okay with you?" tumango ako sa kanya at ngumiti, ganon din naman siya sa'kin "go on" pagkatapos niya iyon sabihin ay ako na mismo ang humawak sa braso ni Vale at hinila siya papunta kay Endri na ngayon ay nakapikit at parang nautulog
Habang yung dalawa ay nilapitan nila Leola at Kalea para tuluyang mawala ang tensyon sa pagitan nila. Ipinatong ni Leola ang braso niya sa balikat ni Kierra at ganon din ang ginawa ni Kalea kay Cozbi, ang pinagkaibahan lang ay kung si Kierra ay sumimangot sa ginawa ni Leola sa kanya si Cozbi naman ay ginaya ang pagpatong ng braso ni Kalea sa kanya at nakisabay sa pag ngiti nito
"Wag ka ngang sumimangot dyan my sweet friend Lumiere buti pa si Cozbi hindi kj" nag tsk lang si Kierra sa sinabi ni Leola kaya naman natawa lang ito
YOU ARE READING
Angel of Death: Azazel(ON HOLD)
FantasyThalia Ava D. Thompson - Maganda, mayaman, mabait, at may mabubuting magulang. Masasabi na nasa kanya na ang lahat dahil simula pagkabata pa lamang ay naibibigay na ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang gusto ngunit sa kabila ng marangyang bu...