My fifth day here in purgatory at ang araw ng pangatlo kong trial dito. Kasalukuyang kaming papaakyat sa 3rd floor kung saan gaganapin ang paglilitis.
Usok, ayan ang unang sumalubong sa'min ni Kierra pag ka tungtong namin dito. Puno ng usok ang mahabang hallway na kinatatayuan namin ngayon, hanggang paa lang naman yung usok, gray ang pintura ng mga pader sa palapag na ito at sa dulo ng hallway matatagpuan ang isang pinto na kulay gray din na bahagyang naka bukas at doon din ata nang gagaling yung mga usok
Nag lakad kami papunta sa pinto ngunit hindi pa man din kami nakakalayo ay may narinig akong tumawag sa pangalan ni Kierra
"Azz" sigaw ng babaeng papalapit sa'min. Katulad ng suot nila Yasu at Kalea naka suot din ito ng black na polo at pantalon. Ang mga grim reaper kasi na tulad nila Kierra, Leola at miss Clarisse ay naka itim na suit na bagay naman sa kanila pero iba naman yung design ng suot ni Kierra mas maganda ito bukod sa iba, mas unique at mas mabango I mean naaamoy ko kasi siya kapag malapit, amoy strawberry siya pero may halong mint ganon
"Cozbi" malamig na wika ni Kierra habang naka kunot ang noo
wait cozbi? parang pamilyar yung name niya hmmm saan ko nga ba narinig yung pangalan niya?
"sorry I'm late azz, you see I ha-" naputol ang sasabihin niya ng biglang nagsalita si Kierra
"I don't care Cozbi, it looks like you forgot about your job here" hindi naman naka sagot agad yung Cozbi dahil sa tono ng pagkakasabi ni Kierra non.
Napatingin naman siya sa gawi ko at ngumiti ng malaki "Is she Thalia? Our new elita?" tanong niya kay Kierra "hey Thalia, I'm Cozbi, Azz partner" tyaka niya inilahad ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali sa pagkakasabi niya sa word na partner
"Yeah she's Thalia, MY elita" may diing pagkakasabi ng katabi ko sa word na my
Ah! kaya pala pamilyar ang pangalan niya dahil nagbanggit na siya sa'kin ni Leola noon, so siya pala ang partner nitong si Kierra at katulad ni Kalea at Yasu
Inabot ko naman ang kamay ko at nakipag shake hands sa kanya "Hello po, Thalia Ava Thompson" pagpapakilala ko sa kanya
"I know" ngumiti siya sa'kin pero pati sa ngiting iyon ay may kakaiba din na hindi ko lang ma point out kung ano
"the trial will start na, we'll talk later Cozbi" si Kierra na mismo ang nagbawi ng kamay ko sa kamay ni Cozbi, malamig at nanglilisik ang mga mata niya kung tumingin don sa partner niyang naka sunod sa'min ngayon.
Sa labas pa lang ay rinig ko na ang malakas na sigawan na nagmumula sa loob.
Pinagbuksan naman ako ni Kierra ng pinto at pinauna akong pumasok."WHERE ARE THEY? HOW DARE THEM MAKE ME WAIT!?" malakas na sigaw ng matandang lalaki na may bigoteng puti, pati ang buhok nito ay may ka onting puti na rin
"LIKE I TOLD YOU, HINDI PA SILA LATE!! THEY STILL HAVE 5MINS BEFORE THE TRIAL STARTS!!" pabalik na sigaw ng babaeng naka salamin, mukha siyang sectary dahil sa suot at looks niya, naka suot kasi siya ng pencil skirt, kulay red na hanggang tuhod lang niya with matching red polo na long sleeve naka bukas din ang dalawang botones nito.
"DON'T SHOUT AT ME YOUNG LADY!" inis na dinuro ng matandang lalake yung babaeng maganda
"THEN DON'T SHOUT TOO YOU OLD GEEZER! AND DON'T POINT YOUR FINGER AT ME, BAKA PUTULIN KO IYAN!!" pulang pula ba ang mukha ng babae dahil sa inis nito, inalis naman din agad ng matanda yung pagkakaturo niya sa babae. Tumikhim si Kierra sa kanila kaya napabaling sila ng tingin sa'min
YOU ARE READING
Angel of Death: Azazel(ON HOLD)
FantasíaThalia Ava D. Thompson - Maganda, mayaman, mabait, at may mabubuting magulang. Masasabi na nasa kanya na ang lahat dahil simula pagkabata pa lamang ay naibibigay na ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang gusto ngunit sa kabila ng marangyang bu...