Chapter 15: Diary

76 5 2
                                    

Nandito ako ngayon sa sala ng unit ko kasama sila Vale, at yung kaibigan daw nila Leola at Kierra, na sila Clarisse na isa ding grim reaper, ang partner niya na si Kalea para siyang another Leola sa kakulitan nito at maingay din, pang huli ay si Endri Yuu na katulad ko ay isa ding elita pero kasabayan niya lang si Vale na nagpunta dito sa purgatoryo kaya medjo pamilyar sila sa isa't isa.

Nasa kusina naman sila Kierra na siyang nagluluto ng kakainin namin, si Leola na nanggugulo na naman kay Kierra, si Kalea na ginagatungan ang pang aasar ni Leola kay Kierra, at si Yasu na nagpipigil ng tawa habang pinapanood mayamot yung isa sa dalawang may saltik ata sa pag iisip.

"What's that notebook you're holding Lia?" tanong sa akin ni Vale. Napatingin din sa gawi ko sila Clarisse at Endri na mukhang curious din, tinaasa ko naman ang hawakang kong diary at pinakita sa kaniya

"ah ito yung last gift sakin ni Kierra. Hinayaan niya kong magdala ng isang gamit ko and tada! itong diary ko noong bata pako yung dinala ko" paliwanag ko, tumango tango naman si Vale sa'kin

"Can you tell us kung about saan yung diary mo? Like what kind of diary is that" napukaw naman ni miss clarisse ang atensyon ko. Mahinhin siya at babaeng babae, hindi rin nakakatakot ang awra niya, tapos yung mga ngiti niya ay magaan sa paningin, ang mga mata naman niya ay kulay green na kapag tinitigan mo ito ay para kang mapupunta sa forest na may nakaka-kalmang kapaligiran siguro kung lalaki ako ay for sure magugustuhan ko si miss Clarisse pero kahit ganon pa siya kaganda ay mas maganda pa din sa paningin ko si Kierra, ewan ko ba kung bakit walang makapantay sa ganda niya para sa'kin

"Ah miss clarisse actually hindi ko pa din po alam e, nakalimutan ko na kasi ang tungkol dito at tyaka hindi ko pa siya nabubuksan at nababasa" ngumiti naman ako sa kanya ng alanganin

"Then why don't you open it now na" magsasalita palang sana ako ng biglang lumabas si Kierra sa kusina at inaya kaming kumain na

"Clarisse, wag mo siya pangunahan" wika ni Kierra habang tinatanggal ang apron sa kanyang katawan

geez kahit apron bagay na bagay sa kanya

"Okay lang Kierra plano ko naman talaga basahin toh eh"

"Fine but first let us eat muna Ava, come on" pag aaya ni Kierra sakin kaya naman tumayo na ako at pumunta sa kusina, sumunod din naman sila Vale samin.

Nang makarating kami sa kusina ay kita ko sila Leola, Yasu at Kalea na naka upo na at may mga plato na din na nakahanda. Nasa kanan ko si Kierra habang nasa kaliwa ko  naman si Vale na katabi si Leola, sa harap ko naman ay si miss Clarisse, harap ni Kierra ay si Yasu, sa kabila naman ni miss clarisse ay si Endri at sa tabi niya ay si Kalea.

Pinaghila ako ni Kierra ng upuan at tumabi sa'kin, aabutin ko pa lang sana yung kanin para mag sandok ng maunahan ako ni Kierra at siya na din ang naglagay sakin pati ulam na din.

"Hey ms sungit here sandukan din kita" wika ni Leola, akmang lalagyan niya na ng kanin ang plato nung isa ay tyaka naman nito inilayo ang plato niya habang naka kunot ang noo niya

"shut up idiot. I don't need your help stupid" pagtataray ni Vale kay Leola kaya napatawa kami dahil napasimangot si Leola

"Idiot na nga stupid pa grabe ha! eh sinusubukan ko lang naman maging sweet katulad ni Lumiere" pagmamaktol ni Leola habang nagsasalin ng kanin sa sarili niyang Plato

"hindi bagay sayo stupid" may accent na sabi ni Vale sabay irap kay Leola

"sus masungit na nga mataray pa tsk brat talaga eh" bulong ni Leola pero rinig namin dahil nagpipigil ng tawa sila Yasu at Kalea habang si miss clarisse naman ay naka ngiting umiiling at syempre si Kierra na walang pakialam sa nangyayari

Angel of Death: Azazel(ON HOLD)Where stories live. Discover now