Chapter 13: Parents

81 7 1
                                    

Pumasok na kami sa panaginip ng parents ko. Nasa bahay pa din naman kami pero hindi ito ang reyalidad, bumaba kami ng kwarto dahil wala doon ang parents ko. Pumunta ako ng sala para tignan kung andon sila pero wala din, sumunod ay pumunta ako ng kitchen wala din akong na abutan ni anino nila, hindi ako sumuko kaya sa garden naman namin ako sumunod na nagtungo at doon nakita ako maraming pag kain ang naka handa, may mga decorations pa ang naka sabit kung saan saan at may malaking cake na nakalagay ay 'happy 18th birthday Thalia' ng madapo ang paningin ko sa dalawang pigurang naka tayo malapit sa may puno kung saan naka tayo ang tree house ko noong bata pa ako ay dali dali ko silang pinuntahan.




Magkayakap sila ngayon, yung lalaki ay naka akbay sa babae habang yung babae ay nag aakyat baba ang balikat hudyat na ito'y umiiyak. Nakita kong naka tingin sila sa ibaba kung saan may lapida na ang pangalan ko ang naka sulat dito pala nila ako inilibing pansin ko din na may hawak na picture frame yung babaeng naiyak at mukha ko din ang naroroon.



Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya nilingon ko iyon




"Go on, talk to them" si Kierra na hinihikayat ako




"Lia it'll be fine, we're here" hinaplos ni Vale ang buhok ko pagkasabi niya non




"oo nga, sge ka magsisisi ka kapag di mo sila nilapitan" pag jojoke ni Leola para gumaan yung nararamdaman ko





"ugh can't you shut up?" inis na tanong ni Vale sa kanya, umakto naman siya na nag zip ng kanyang bibig






Huminga ako ng malalim bago napagdesisyunan na lumapit sa kanila, humakbang ako pa tungo sa kanila ramdam ko naman na nasa likod ko lang sila Kierra pero hindi na sila sumunod pa siguro ay binibigyan nila kami ng alone time ng makalapit ako sa kanila ay parang gusto ko na lang sila yakapin ng mahigpit pero hindi ko ginawa dahil baka magulat sila sa mangyari.







"mom? dad?" pagtawag ko sa kanila, agad din naman silang napalingon sa gawi ko. Kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila pero hindi nag tagal ay napalitan ito ng saya, lumapit sila sakin at niyakap ako




"Thalia anak" si mom "anak bakit naman ngayon mo lang kami binisita? Ang ganda ganda mo anak, miss na miss kana namin ng dad mo" hinawakan ni mom ang magkabilang pisngi ko at dahan dahan yong hinaplos gamit ang hinlalaki niya




"I'm sorry po mom kung ngayon lang ako dumalaw sa inyo, I miss you too po. Ang h-hirap pala ng wala kayo mommy, daddy" yumakap ako ulit sa kanila





"Our princess, you're 18 na but still ikaw pa din ang nag iisang princess namin. Mahirap man tanggapin na wala kanang talaga pero kinakaya at sinusubukan namin kasi alam kong mag aalala ka kapag hindi namin inalagaan ang isa't isa anak kaya dapat ay ikaw din ha? alagaan mo ang sarili mo dahil wala na kami sa tabi mo para gawin yon, lagi kang magpakatatag at mag iingat anak. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo" wika ni dad. Nagyakapan lang kaming tatlo habang naiyak, dinama lang namin ang presensya ng isa't isa.




Lumipas ang ilang minuto tyaka lang kami bumitaw sa pagkakayap, inayos ni mom ang buhok ko katulad lang ng dati. Humalik naman si dad sa ulo ko parang dati lang din. Ang daming nagbago, lumipas ang 3 taon pero yung pagmamahal nila sakin ay hindi man lang nagbago o nawala.





"I love you both dearly mom and dad" ngumiti sila kaya napangiti din ako





"we love you too dearly our princess" sabay nilang saad sakin






Nahinto lang ang pagyayakapan namin ng biglang may tumikhim sa likuran namin kaya naman napalingon kami sa gawi nila Kierra






"ahem uh baka pwedeng kain na tayo parang masarap pa naman yung mga naka handa hehe" si Leola lang pala na mukhang ano mang oras ay susunggaban na yung mga nakahain sa lamesa






Angel of Death: Azazel(ON HOLD)Where stories live. Discover now