Sa wakas ay natapos din ang second trial ko, pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa kung di tumayo lang. I'm mentally and emotionally exhausted today, gusto ko na lang humiga sa kama ko kahit na sikat pa rin ang araw.
Papalakad na sana ako ng maramdaman kong may humawak sa braso ko, sinundan ko ng tingin yung kamay na nakahawak sa braso ko, si Kierra lang pala
"oh? problema mo?" mataray kong tanong sa kanya
Tinignan naman niya ako ng nagtataka "what's with the attitude? Did I do something wrong?" tanong nito sakin bago ako hapitin sa bewang upang mapaharap ako sa kanya
"w-wala ano, bitaw ka nga" inilalayo ko ang sarili ko sa kanya kaso diko magawa dahil mas malakas siya pero hindi nagtagal ay bumitaw din ito
"I'm sorry Ava, don't be mad at me please?" lumungkot ang mukha nito kaya naawa naman ako sa kanya kasi sinungitan ko ito ng walang dahilan.
"H-hindi naman ako galit, nabigla lang ako sa hila mo sakin" pagtatapat ko, hindi naman kasi talaga ako galit noh
"okay, I'm sorry again"
"sge na tara na. Gusto ko ng magpahinga eh" hinila ko na ang kamay niya pero hindi pa rin siya gumalaw sa kinakatayuan niya
"We're going somewhere muna, let's go" ha? somewhere? pagod na nga ako eh
"uy Kierra pagod nako please bukas na lang yan oh" pag mamakaawa ko sa kanya pero hindi siya pumayag at hinila nako papunta kung saan. Nakarating kami sa kalesa na sinakyan namin nung pumunta kami dito.
Lumapit siya sa kabayo at tyaka hinimas ang mukha nito "Hey there buddy, how's my despair doing hm?" tanong niya kay Despair, ipinatong niya din yung noo niya sa noo ni Despair habang hinihimas pa din ang mukha nito 'geez ang cute nilang mag amo'
"Let's go? For sure hindi mo toh pagsisisihan" inalalayan niya ako pa akyat ng kalesa bago siya pumasok at isinara ito
"Siguraduhin mo lang Kierra ha kung hindi ay nako lagot ka sakin" umakto pakong susuntkin siya kaya natawa siya ng bahagya habang nailing iling ang ulo niya, ngumiti ako dahil ang ganda lang sa paningin na nakikita siyang nakangiti at ang sarap pakinggan ng tawa nito.
"Tell me Ava, If you'll be given a wish, what would it be?"
"syempre yung makita at makasama ulit yung parents ko" pero alam ko na imposible yon mangyari dahil patay na ako
"You love so much huh?"
"tinatanong pa ba yan? Of course I love them dearly. Ikaw ba natatandaan mo paba ang parents mo?" siguro naman ay mahal niya din ang mga magulang niya dahil sila ang nagpalaki sa kanya
"Not quite"
"oh buti naman tanda mo pa sila! Kwentuhan mo naman ako about sa kanila"
"They're uh not really the best parents based on what I remember" nag iwas siya ng tingin at ibinaling ito sa labas "they left me when I need them the most coz they think I'm faking everything. They didn't believe me their own daughter, instead they believe what a stranger said"
"I- uh sorry to hear that" ngumiti siya ng pilit sakin "it's fine, I'm fine Ava" alam kong kahit sabihin niya yon ay nasaktan pa din siya sa nangyari, paano ko kaya mapapagaan ang loob niya? Gusto ko din siya tulungan katulad ng pagtulong niya sakin
YOU ARE READING
Angel of Death: Azazel(ON HOLD)
FantasyThalia Ava D. Thompson - Maganda, mayaman, mabait, at may mabubuting magulang. Masasabi na nasa kanya na ang lahat dahil simula pagkabata pa lamang ay naibibigay na ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang gusto ngunit sa kabila ng marangyang bu...