Habang nag lalakad kami ay may naaninag ang mga mata ko sa hindi kalayuan isang kalesa na may itim na kabayo, ang ganda ng kalesa parang pang mamahalin at yung kabayo din mukhang susyal laki siguro yan sa yaman sagot ng aking isip ng nasa harap na kami ng kalesa ay nilingon ako ni miss Zel at inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko
Infairness ang sweet niya talaga sabi ko sa aking isipan. Nag smile naman ako sa kanya bago kunin ang kamay niya at sumakay sa kalesa, sumunod na din siya at sumakay na pero teka napaisip naman ako kung sasakay din siya dito sa loob eh sino naman ang magpapaandar nitong kalesa? tanong ko sarili ko at mukhang napansin naman niya ang pagtataka ko kaya bago pa man ako magtanong ay nagsalita na ito
"No worries dahil kahit walang magpapaandar o magmaneho sa kalesang ito ay kusa gagalaw si despair dahil matalino siya at alam na niya ang gagawin kahit diko pa sabihin" proud na pagkakasabi nito, teka despair? bakit naman ganon ang pangalan ng kabayo niya eh ang ganda ganda pa naman sayang.
Tumango tango na lang ako pahiwatig na sumang-ayon ako sa kanyang sinabi.
"Miss Zel malayo pa po ang destination natin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang kapaligiran, wala kang ibang makikita kung hindi itim na usok at puro dilim lang.
Nagtaka naman ako dahil hindi siya sumagot kaya mula sa pagkakatingin sa binta nitong kalesa at binalingan ko siya ng tingin ngunit nagulat ako dahil magkasalubong ang magaganda na tila perpekto nitong kilay bakit naman kaya ganto ang itsura ng isang toh? may nasabi bakong mali?Nagtatakang tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya nakakalunod ang mga ito ang ganda din sobra at hindi nakakasawang tignan, bumalik lang ako sa reyalidad ng narinig ko siyang nag tss
ay grabe why so sungit naman miss Zel? ayan ang gusto kong itanong ngayon sa babaeng kaharap ko ngayon ngunit hindi ko na lang ginawa dahil baka mas lalo pa itong mabad trip kahit diko naman alam kung bakit baka may saltik nga talaga sagot ng utak ko.
Tumikhim muna ako bago nagsalita muli "ehem so miss Zel? malayo po ba ang pupuntahan natin" muli kong tanong sa kanya ngunit imbes na sagutin ay inirapan lamang ako nito attitude ka girl? tanong ko sa isipan ko at napairap na lang din
"why can't you just stare at me na lang? eh mas maganda naman ang view ng nasa harapan mo eh tss can't appreciate what true beauty was" rinig kong bulong nito
eh ang lakas din pala talaga ng tama ng babaeng toh eh bakit ko naman siya tititigan? ano siya gold? sus pake ko din kung maganda siya? alam ko naman yon noh tsk
oh so nagagandahan ka talaga sa kanya self? ayan na naman ang epal kong utak
a-ano I m-mean ma-mas ma-ganda pa rin ako noh mas maputi lang siya hmp!gosh why do I sound so defensive?? This is not so me arghh
Tinignan ko na lang ng masama si miss Zel at nag ayos ng upo dahil nabobored nako dito
"miss Zel" panimula ko
"what?" walang gana nitong tanong sakin habang diretsong nakatingin sakin
"bakit ang ganda mo?" pabiro kong tanong sa kanya dahil hindi rin naman niya sinagot ang tanong ko kanina ay guguluhin ko na lang siya pero nagulat ako ng bigla itong nag iwas ng tingin at bahagyang namula ang mukha uhm okay? what was that? takang tanong ko sa sarili
hmm it's not hot in here naman ah? so bakit siya namula? O M G "miss Zel do you feel okay po ba? gosh baka may sakit na kana ha, tell me miss Zel if you feel hot!" nagpapanic kong tanong dito at medjo napataas pa ng kaonti ang boses ko, akala ko nga ay tatarayan niya ako or what e pero para namang bumagal ang lahat at na patanga na lamang ako dahil sa mahinhin nitong pag tawa
YOU ARE READING
Angel of Death: Azazel(ON HOLD)
FantasíaThalia Ava D. Thompson - Maganda, mayaman, mabait, at may mabubuting magulang. Masasabi na nasa kanya na ang lahat dahil simula pagkabata pa lamang ay naibibigay na ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang gusto ngunit sa kabila ng marangyang bu...