-Angelou's POV-
"Private investigator?!" gulat na tugon ng kaibigan kong si Kyla after I said na gusto kong mag-hire ng private investigator para mag-imbestiga sa boyfriend kong si Suho.
"Angel, what's going on with you? In a month ikakasal na kayo, bakit kailangan mo pa ng investigations about your soon-to-be-husband ha?" tanong naman sa'kin ni Chrizzel.
"Basta. There's something wrong with him." sagot ko.
"Hey Angelou Jane Yoon! Kung ano man yan, bakit di mo na lang itanong sa kanya? Lahat ng bagay nadadaan sa mabuting usapan." bigla namang sabat ni Apple.
No. Hindi 'to kaya ng mabuting usapan.
Ilang linggo after makalabas ni Suho sa hospital, parang nagbago siya. Hindi ko alam. Lagi pa siyang umaalis at sinasabing may pupuntahan siya... may meeting daw siya... may kikitaing client... at kung anu-ano pa... ang dami niyang dahilan. May hinala ako na nakikipagkita siya sa isang tao. Sino? Hindi ko alam. May nagtetext din sa kanya at di niya iyon pinapabasa sa'kin. Ilang buwan na siyang ganito. I really feel so uneasy whenever he's going out to somewhere.
May iba na kaya siya?
No. This can never happen. Mahal niya ako... kaya niya nga ako pakakasalan diba?
**
"Oh, Suho? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makita ko si Suho sa sala namin.
"My angel, I miss you so much." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"So bakit ka nga andito?" tanong ko muli.
"Can we have dinner tonight? Doon ulit sa paborito mong restaurant." sabi niya sabay hawi ng buhok ko.
"Sure." sagot ko.
After kong magbihis at mag-ayos, sumakay na kami sa sasakyan niya at pumunta na sa restaurant.
"I'm sorry. Madami lang talaga akong inaasikaso." panimula niya habang kumakain kami.
"Like what, Suho? Di naman ganon kadami yung ginagawa natin sa opisina, right?" tanong ko.
"Hindi tungkol sa kumpanya, Angel. It's all about me... and our future." he answered.
"What do you mean, 'our future'?" takang tanong ko.
"I'll tell it to you at the right time." sabi niya at hinalikan ako sa kamay.
**
Isang oras din ang nakalipas bago ako hinatid ni Suho pauwi, dumaan pa kasi kami sa bahay ni Kris after naming kumain sa restaurant. Nasa kotse pa rin kami ngayon, nasa tapat ng bahay namin.
Suho hugged me immediately after kong tanggalin yung seatbelt ko. He kissed my lips passionately, it seems like we didn't see each other for a very long time. The kiss lasted for few minutes. Niyakap niya ulit ako.
"I love you so much, my angel. I hope you'll forgive me for all the things I did. I hope you'll still love me even if malaman mo yung nakaraan ko."
Kumalas na siya sa yakap. Lumabas na kami ng kotse at inihatid na niya ako sa may gate ng bahay namin. He kissed me in my forehead.
"Good night, my angel. Sleep well." sabi niya at pinapasok na ako sa loob ng bahay.
I wasn't able to ask him all the questions inside my head. All that he said left different things and ideas running in my mind.
**
Sunday afternoon. Andito ako sa bahay ni Kyla. Ngayon daw dadating yung result ng investigation ng kakilala nila ni Kris na imbestigador. Pinaimbestigahan ko si Suho last week. Pinasundan ko siya sa kahit saan man siya pumunta. Gusto ko kasing malaman kung kanino ba siya nakikipagkita.
"Are you ready, Angel? She's here." sabi ni Kyla.
Kasama na niya si Yuri Jang, the investigator I was saying before.
"Yuri~ come and seat over here." I said and tapped the vacant seat beside me. Iniwan na muna kami ni Kyla to get some food to eat.
"Angel, your soon-to-be-husband is seeing other girl." panimula niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Other girl? Is this true?
May inabot siya sa'king envelope. Binuksan ko ito at puro pictures ang nasa loob nito.
It's Suho with the other girl.
"She's not just a simple girl. She's your boyfriend's ex-girlfriend." sabi ni Yuri habang tinitignan ko pa yung ibang mga pictures.
Yakap ni Suho yung babae sa picture, meron pang kumakain sila sa isang restaurant, magkahawak-kamay at masayang magkasama sa park, and the worst... a picture showing him and the girl kissing each other.
"Who's this girl?" tanong ko. Tears are already falling down my cheeks.
Binigyan ako ng tissue ni Yuri bago nagsalita, "She's Krystal Jung. A girl from your boyfriend's past."
Agad akong niyakap ni Kyla after niyang makitang umiiyak ako pagbalik niya. Niyakap ko din siya at tsaka tuluyang umiyak nang umiyak.
"How could he do this to me, Kyla? I loved him so much." umiiyak kong tugon.
Muling nagsalita si Yuri, "I discovered na seven years ago nang maghiwalay sila. And also, Krystal's boyfriend is looking for Suho. May gustong pumatay sa boyfriend mo, he is Minho Choi."
Naalala ko yung lalakeng nakatext ko using Suho's phone before.
Balita ko ikakasal ka na? I want to give you a very special gift. I'll give you your best funeral pag nahanap kita.
Lalo akong naiyak dahil sa nalaman ko. Bakit kailangan mangyari ang mga ito? Naguguluhan na ako.
--