-Angelou's POV-
Agad akong tumakbo palabas ng simbahan. Nahihirapan man ako dahil sa mahabang gown na suot ko, I still manage to go far away from that place where I was about to give my promise of forever.
No one expected this to happen, even my dearest angel, Joon Myeon. Pero talagang may mga bagay sa mundong ito ang hindi perpekto at hindi nararapat para sa isa't-isa.
I've been waiting for this very special day to happen until I found out my angel's secret that changed my dream into a nightmare.
**
"Let's have a dinner date tonight. Kailangan maaga kang matapos sa work mo ha." nakangiting sabi ni Joon Myeon, a.k.a. Suho, boyfriend ko.
"Sir, sabi mo ang dami mo pang kailangang gawin diba?" tugon ko. presidente kasi siya ng isang kumpanya, to be exact, ng kumapanyang pinapasukan ko. I am an assistant manager sa marketing department ng company nila.
"Tapos ko na. At wag mo nga akong tawaging 'sir', kinakausap kita bilang girlfriend ko at hindi employee, ok? Basta hihintayin na lang kita." sabi niya at ginulo ang buhok ko tsaka bumalik na sa office niya. Bakit naman kaya kami may date mamaya? Haay Suho talaga… always full of surprises.
**
Ilang minuto na lang bago mag-7pm nang matapos ako sa mga paper works ko. Nakita kong lumabas na si Suho galing sa office niya. Ang gwapo niya. Bihis na bihis siya na para bang may mahalagang mangyayari ngayong gabing 'to.
"Anong meron, sir?" tanong ko. Sumimangot naman siya dahil sa pagtawag ko ng 'sir'.
"Angel naman eh. Date nga natin diba? We should look presentable. At tsaka 'sir' na naman?" sagot niya. Kumuha naman ako ng salamin at tiningnan ang sarili ko. Nagpapatama ba siya? Hahaha. Ang haggard ko na kasi, buong araw ba naman akong nakaharap sa computer at sumusunod sa utos ng manager namin. Pero teka, bakit siya ang gwapo pa rin kahit buong araw siya sa opisina niya? Ugh. Nevermind.
Nagpaalam ako sa kanya na pupunta lang ako sa powderroom. Kailangan ko din pantayan ang kagwapuhan niya noh. ^__^
Pagbalik sa table ko, nakita ko siyang may kausap sa phone.
"Are you sure ready na lahat?" tanong niya sa kausap niya. Hindi ko na pinakinggan ang iba niya pang sinabi at lumapit na ako sa kanya.
"Sinong kausap mo?" tanong ko.
"Ahh wala. May inutusan lang ako para sa isang report. May meeting kasi ako bukas." sagot niya.
"May meeting ka pala bukas eh. Wag na natin ituloy 'to. Pag-aralan mo na lang yung report mo for tomorrow." sabi ko.
"Ms. Angelou Jane Yoon, I'm not pleading you to come and have a date with me, I'm ordering you so you should obey." may authority na sabi niya. Aba! Gamitin ba ang pagiging boss niya?
"Well, I can resign if you want." taas-kilay kong sabi.
"Joke lang Angel, ikaw naman di ka na mabiro." sabi niya sabay yakap sa'kin. Natatawa naman ako dahil ayaw niya talagang umalis ako dito sa company nila.
"Tara na kasi. Maganda ka naman kahit di ka mag-ayos." sabi niya while wearing his angelic smile. Pinapakilig na naman ako ng anghel na 'to.
Lumabas na kami at pumunta na sa parking lot. Hindi ko talaga alam kung saan niya ako balak dalhin so I asked him.
"Saan tayo pupunta, Suho?"
"Sa favorite restaurant mo." sagot niya.
"Talaga? Wait, ano ba talagang meron ha at kailangan nating mag-date?" tanong ko ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/32931545-288-k670990.jpg)