Dream Wedding

995 0 0
                                        

August 31 2021


ABALA ang lahat habang ako ito, nakaupo nag-iisa. Wala kasi ang Fiancè ko busy siya sa diko alam na dahilan. Ang mga best friend ko naman ay ayun may ginagawa kasama nila mga boyfriend nila kaya ako ito lang nag-iisa sa veranda ng bahay ko. Pasado 8am ng umaga nang tumawag sa akin si Aleya isa sa kaibigan ko, pinapapunta niya ako sa isang lugar at sinabi sa akin ang address nito nagmadali akong pumunta, kabado ako kasi parang may naghihintay sa akin doon. Matapos kung magbihis ng white t-shirt at Short na maong ay lumabas na ako ng bahay at pumasok sasakyan ko at agad na binuhay ang makina.

Dumating ako sa lugar na sinabi ni Aleya, tahimik doon at tanging naririnig ko lamang ay hampas ng alon at hangin na lumalapat sa balat ko. Bumaba ako ng sasakyan ko at tumingin-tingin sa paligid nahagip ng atensyon ko ang isang bata na nakasuot ng white dress habang nakangiti ito sa akin, niyaya niya akong sumunod sakaniya na agad naman akong tumugon. Dinala niya ako sa isang lugar na may red carpet na nag-aabang sa akin at mga bulaklak na gustong-gusto ko ito ay puno ng white tulip. Kasunod nito ay ang paglabas ng pamilya ko galing kung saan nakangiti sila sa akin na may bahid na luha sa mga mata nila. Lumabas sa gilid ang mga kaibigan namin ni Jero nakangiti rin sila tulad ng mga magulang ko. Nakita ko sa harapan yung batang nakita ko kanina siya yung may hawak ng bouquet of flowers  at ibinigay sa akin 'yon.

Hindi ko namalayan na umiyak na pala ako. Hindi lang ito simpleng lugar o event because this is my Wedding,This is my Dream wedding!

Lumapit sa akin si Aleya at pinasuot sa akin ang Elegant sexy and sophisticated Wedding gown. Bago ako maglakad ay nakita ko si Jero na pumunta sa harapan at umiiyak katulad ko. Na-appreciate ko ang effort niya sa lahat at talagang planado, walang kulang sa gusto kong wedding. Simula sa Beach, sa design ng wedding, Sa mga bulaklak at sa Dream kung Wedding gown.

Naglakad ako ng dahan-dahan habang tumutunog ang violin sa kantang "MARRY ME". Nang makalapit na ako kay Jero ay agad siyang yumakap sa akin na agad kung tinugon, nagsimula ang seremonya nagpalitan kami ng 'I DO' pero 'di ko alam na ang susunod na mangyayari ay mawawala siya.

Bigla nalang siyang bumagsak na ikinagulat ko samantalang ang mga magulang niya ay umiyak na sa kalungkotan biglang nag-flash sa isang flat screen doon ang mukha ni Jero na umiiyak habang binabanggit ang mga salitang ito,

"Hi Babe, Natupad ko na yung wedding na gusto mo, tinupad ko na kasi gusto ko makita pa ang ngiti mo sa huling pagkakataon.Babe sabihin mo mang madaya ako kung kakaumpisa ng wedding natin ay iiwan na kita ay okay lang kasi 'yon ang nakatadhana saatin. Tandaan mo Babe kahit na hindi mo ako makakasama sa hirap at ginhawa nakagabay naman ako sayo parati.Mahal na Mahal kita Mrs.Alyzia Villamonte-Bernardo. I love you so much, This is your dream wedding."

Niyakap ko siya matapos kung pakinggan ang mensahe galing sakaniya, napag-alaman ko na namatay siya dahil sa Heart disease niya na hindi niya manlang nasabi sa akin.

Kung nasaan man siya, siya pa rin ang mamahalin ko sa susunod na araw at susunod pang pagkakataon. Rest in Paradise Babe, I love you 'till we meet again.

One Shot Stories Where stories live. Discover now