Bago

97 0 0
                                    

“Hi Babe!"masayang bati ko ng makita ko ito sa screen ng laptop ko. Kasalukoyan ko itong kausap sa video call dahil nasa Canada ako nagtatrabaho habang siya ay nasa pilipinas. Matagal-tagal din ang buwan na 'di ko siya nakausap dahil nga ngayong araw lang ako may panahon na makausap siya dahil palagi nalang kaming busy sa work sa kompanyang pinagtatrabahohan ko.

"Hi Keane"malamig nitong sagot sa pagbati ko na ikinawala ng ngiti ko.

Nakaramdam ako agad na parang may mali sakaniya,saamin."May problema ba?"

"Wala . . ." matagal siyang natigilan bago sumila'y ang ngiti sa  mga labi niya na agad kinasaya ng mukha ko.8years na kami ni Kael at kung paano kami sa simula ganon parin hanggang ngayon mas lalo pa kaming pinatatag ng panahon simula ng magkahiwalay kami at tumungtong ako dito sa Canada. It's been 5years simula ng umalis ako sa Pilipinas at namimiss ko na siyang yakapin at halikan. Every time he kisses me,I feel butterflies in my stomach at namimiss ko ang pakiramdam na iyon.

"Ngumingiti na naman ang mahal ko, umuwi kana kaya miss na kita." nakita ko ang pagkalungkot ng mukha niya.

"Babe 2years pa, tiis lang magkikita rin tayo. Remember? pag umuwi ako magpapakasal na tayo diba?"At tumango siya.

"May inom pala kami mamaya Babe kasama ko sila Jared."paalam niyang sabi.

"Sige basta wag papakalasing." At muli tumango siya.

                                   ***

PAGKARAAN ng mga araw at buwan hindi ko na muling natawagan si Kael. Ang naalala kong last naming pag-uusap ay yung nagpaalam siyang iinom sila ng mga barkada niyang sila Jared at pinayagan ko dahil ayaw ko naman na wala siyang magawa sa bahay habang nasa malayo ako at gusto ko rin masulit niya ang pagiging malaya habang wala ako. Kasalukoyan akong pauwi ng condo ko at para makapag-ayos ng sarili dahil haggard ako galing sa trabaho at gusto ko rin na matawagan si Kael para kamustahin dahil miss na miss ko na ito.

Pagkababa ko ng bus na sinasakyan ko pumasok na ako sa condo ko at tulad ng routine na ginagawa ko pumupunta muna ako sa kusina at  umiinom muna ako ng tubig,pagkatapos ay dederetso na ako sa silid ko para magbihis. Pagkatapos ko magbihis ay agad kong inopen ang laptop ko para tawagan si Kael. Pagkacalling ko sakaniya ay agad naman itong sinagot ng . . .babae.

"Hi!" masaya nitong bati saakin habang tinititigan ko palang siya ng mabuti,sinusuri kong nakita ko na ba ito.

"May kailangan ka ba kay Kael?" biglang tanong nito.

"Uhmm . . ."

"Wala kasi siya dito at naiwan niya ang phone niya."Biglang singit niya.

"Sino ka?"tanong ko habang sinusuri siya.

"ah. . . I'm Kietty, Kael's girlfriend. . ."natigilan ako ng marinig iyon galing sa babaeng kausap ko ngayon."And you are? "

"Keane"tipid kong sagot na may halong pait na nararamdaman. Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Ah ikaw yung cousin niya yung lagi niyang kinukwento, alam mo ang  bait mo sana makapagbonding tayo pag umuwi kana."masaya nitong sabi ngunit natigilan siya ng makitang umiiyak na ako.

"Bakit ka umiiyak? may nagawa ba ako?"aniya.

"Wala"pilit ngiting sabi ko. "Kailan pa kayo?"

"Ahmm. . . 2months na kami ee."

"2months?"

Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon at sa nakikita ko. Kaharap at kausap ko ang taong bagong nagpapasaya sakaniya,bagong nagbibigay kulay sa buhay niya habang Ako? Umaasa na sana panaginip lang lahat ito dahil gusto ko ng magising,gusto ko ng itigil itong sakit. Sobrang sakit.

"Teka. . . Bakit ka nga ba umiiyak?"


"I'm Kael's girlfriend for almost 8years."emotional kong sabi at napansin kong natigilan siya.

"Keane sorry hindi naman ala---"

"You don't have to sorry, Wala kang kasalanan."

"Alagaan mo siya para saakin."

"Wag mong iiwan. Bago matulog kailangan magtotoothbrush siya."

Pilitin kong hindi mautal ngunit ang hirap."Ayaw n'yan sa isda. . ."

"Oo kasi matinik daw"sagot niya na ikinahagulhol ko.

"Mahal ko 'yan,Mahal na mahal."

"Sorry,Keane"

"it's okay. . ."ngumiti ako.

"Pakisabi sakaniya na thankyou. . . kasi kahit hindi natuloy o matutuloy yung kasal na pangarap namin alam ko naman na kayo yung magtutuloy. Pakisabi rin sakaniya na mahal na mahal ko siya at pinapatawad ko siya sa lahat at wag niyang isipin na nasasaktan ako kasi okay lang ako. Masaya ako para sainyo." Huli kong mensahe bago ko pinatay ang call.

But I know, One day you're going to remember me and how much I loved you. . .then you're gonna hate yourself for cheating on me. Pero kahit na gan'on masaya ako para sayo kasi alam ko magagawa mo na yung nais mo kasi kasama mo yung bago mo,bagong magpapasaya at bubuo ng araw mo. Iyon ang hindi ko naibigay kaya siguro nagawa mo ito.







One Shot Stories Where stories live. Discover now