"Paulit-ulit kong pinapaintindi sa'yo Diana na hindi kita kailanman mamahalin. Ano bang mahirap intindihin doon?!" naggagalaiting sabi ni Paul. Luhang-luha ako sa harapan niya habang sinasabi ang mga 'yon. Bakit hindi niya maintindihan na nais ko lang naman siyang mahalin at nais ko lang naman na maramdaman na may pakialam siya sa akin.
"Ano? Iiyakan mo nalang ako? Sinasayang mo lang ang oras ko napakaraming trabahong naghihintay sa akin tapos iiyakan mo lang ako? Matapos mo akong abalahin sa meeting ko? Fvck! Diana nagmumukha ka ng desperada!"
"Wala akong pakialam, Paul gusto ko lang naman na malaman mo na mahal kita. Oo! Desperada na kung desperada pero gusto ko lang naman malaman kung ano ba t-tayo?"napipiyok kong tanong sabay ng pagyuko ko dahil sa mga luha na tumutulo sa mga mata ko.
"Tayo? Walang Tayo Diana. Kailanman hindi magiging tayo. Kung sa tingin mo papatulan kita? Hindi kasi alam mo ha. Look at me." Hinawakan niya ng marahan ang baba ko para magpantay ang mga mukha namin ngunit ramdam ko ang sakit sa pagkakawak n'ya sa baba ko. Mahigpit. Dama ko ang galit niya. "Parausan lang kita , Diana. Hindi kita mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa akin. "
"P-Paano mo nasasabi 'yan? Tao ka pa ba?"natawa nalamang siya at saka ako tiningnan ng marahan.
"Paano ko nasasabi? Kasi 'yon naman ang totoo! Parausan lang ki--!"sinampal ko siya.
"How dare you!" nanginginig na sabi ko.
Ang sakit na Paul!
"Bakit ka ba gan'yan? Hindi ko naman sinasadyang mahalin ka. Umasa lang naman ako kasi ako yung andito palagi para sayo lalo na pag kailangan mo ng kausap, isang tawag mo lang and'yan na agad ako. Pag kailangan mo ako palagi akong available para sayo. Kahit gamitin mo ako ng paulit-ulit, ayus lang kasi mahal kita eh at akala ko may pagmamahal kana rin sa akin kahit kaunti. Akala ko minamahal mo na ako ng paunti-unti. Hindi pala, kasi sabi mo nga, Parausan mo lang a-ako. Tanggap ko naman pero ang sakit lang kasi parang binabastos mo na ako. Hindi ka naman gan'yan noong una tayo nagkakilala. Hindi na Ikaw yung Paul na kilala ko, Yung Paul na pagkaharap ko masaya siya na pag ako ang kasama."nakatingin lang ako sakaniya habang sinasabi 'yon, nakikita kong natigilan siya sa bawat mga salitang binibitawan ko. "Hindi ko naman kasalanan na umasa ako sayo e."
"Diana, Please hayaan mo na ako."kalmadong pakiusap niya.
"Paul, Kahit kunti lang iparamdam mo naman na mahal mo ako. Kahit kunti lang, Mahalin mo naman ako." nanginginig na ang tuhod ko sa sakit ng nararamdaman ko. Sumabay pa ang ulan na malakas.
"Ano ba Diana! Umalis kana umuulan na oh!"
"Love me Back, Please? nagmamakaawa ako sa pagmamahal mo."ngayon ay nakaluhod ako sa harapan nya habang nakatingala at napapatakan ng ulan ang mukha ko. Naghalo na ang luha at tubig ng ulan sa mukha ko pero wala akong pakialam pakiramdam ko sumasabay sa nararamdaman ko ang langit.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Paulit-ulit ko paring sinasabi kay Paul ang katagang 'Paul, Love me Back, please ' kahit tumakbo na siya papasok sa pinagtatrabahohan niya hanggang sa marealize ko na nakasakay na pala ako ng bus pauwi. Panay parin ang iyak ko at binibigkas ang mga salitang 'yon.
Bumalik sa akin ang mga alaala na kaming dalawa ang magkasama sa init at lamig ng klima. Yung tipong pag umuulan nasa ihawan kami at pag mainit naman nasa Mall kami binibili niya ang gusto ko. Namimiss ko yung panahon na pag nasa bahay ko siya kahit na wala akong suklay palagi niyang sinasabi na 'Ang ganda mo' nagbibigay siya palagi ng compliment na kahit hindi ako mag-ayos maganda ako kaya ko siya minahal.
Tinatrato niya ako ng maayos kaya lahat 'yon binigyan ko ng kahulugan na sana hindi nalang. Sa kabila ng magaganda niyang pinapakita hinayaan ko siyang angkinin niya ako ng paulit-ulit na nagdulot ng mas umusbong na pagmamahal at pag-asa ko sakaniya at dahilan ng pagkalumbay na nararamdaman ko ngayon.
"Ate, Paparking na po kami? Saan po ba kayo? Nakababa na po ang lahat ikaw nalang po ang hindi." napalingon ako kay Kuyang Conductor ng Bus na kanina pa nakatayo sa harapan ko. Ang tagal ko palang nakatulala sa labas ng bintana ng bus.
"Hindi pa po kayo nakakabayad. Hindi ko po kasi kayo makausap kanina."bigla akong bumalik sa ulirat at wala sa wisyong inabot kay kuya ang 500 pesos at tumayo para bumaba.
"Ate,Sukli mo!" ngunit hindi ko na siya nilingon at deretso akong bumaba ng bus at hindi alintana ang malakas na ulan.
Wala akong pakialam kung magkasakit man ako dahil babad na ako sa basa ng ulan basta ang alam ko lang hihintayin ko ang tawag ni Paul sa akin.
YOU ARE READING
One Shot Stories
ContoMaiikling kwento na aking sinulat na punong-puno ng malawak na imahinasyon at emosyon sa bawat letra na aking pinagtatagpi-tagpi at binubuo ng mga tauhan sa aking isipan na nagbibigay ng isang maikling kwento nang pag-ibig.
