CLOSE, OPEN

52 0 0
                                    

What if paglaruan ka ng pinto? Maatim mo bang matulog habang naliligo sa sariling pawis at takot?

_

NAKATAYO ako habang nakatingin sa bahay na nasa harapan ko. Maganda ito at talagang napakalaki. Tulad ng sabi ng lola ko mag-iingat daw ako sa bayan na ito kung saan nakatayo ang bahay na titirhan ko, wala na siyang ibang sinabi kundi iyon lang.

"Ang ganda ng bahay medyo creepy nga lang. " Tumabi sa akin ang best friend kong si Sunny magkasama kaming pumunta dito sa Zubiada house.'yan ang pangalan ng bahay na titirhan ko.

"Shunga November 1 kasi ngayon kaya nasasabi mong creepy psh. Stupid brat"binulong ko nalang ang huli pero narinig niya kaya nakatikim ako ng isang batok.

"Haryana Bautista! " Mariin niyang sigaw sa akin.

"psh." Nauna akong pumasok sa bahay sinindihan ko ang ilaw dahil medyo madilim.

"Creepy" Bulong niya.

"Umalis kana nga! Arte mo ha. " singhal ko sakaniya bago siya umiling-iling na lumabas.

Sinamahan niya lang akong pumunta dito sa titirhan ko pero hindi ko siya kasama titira dito dahil hindi naman siya pinayagan ng magulang niya na sumama sa akin tska pumunta lang ako dito sa Zubiada house dahil pinalayas ako ng Papa at Mama ko.

Umakyat na'ko kung saan nakapuwesto ang ang magiging kwarto ko sa pagkakaalam ko malinis na ang kabahayan bago nila sa akin ito pinagbili.

Binuksan ko ang pinto mahina itong tumunog dahil sa kalumaan. Pagkapasok ko bumungad sa akin ang isang kama napakaganda nito dahil bulaklakin ang kumot nito.

Nilapag ko ang mga bagahe ko.Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na kwarto naagaw ng pansin ko ang isang litrato na nakataob sa study table sa tabi ng kama nilapitan ko iyon bago hinawakan titingnan ko sana ang mukha ng mahulog ito sa sahig dahilan para mabasag ito doon ko nalang nasulyapan ang itsura sa litrato.batang Babae ito na nakasuot ng white dress at nakangiti sa akin t-teka! t-tama ba ako? N-Nakangiti s-sa akin?! Biglang umakyat ang takot sa katawan ko hanggang unti-unti kung kinuha ang litrato at binato sa bintana na nakabukas. Pabagsak akong naupo sa kama habang habol ang paghinga.




"Inhale"humugot ako ng malalim na hinga bago bumuga.



" Exhale " pinakalma ko ang sarili ko hanggang sa tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko. Nagbihis narin ako ng damit pagkatapos lumabas ako ng bahay para magwalis-walis ng bakuran.nakamaikli ako ng short at sando kaya pinagtitinginan ako mga tao.



"May nakatira na pala d'yan" natatakot na bulong ng isang ali habang nakatingin sa akin pabalik sa bahay na tinitirhan ko.


Akala ko pinagtitinginan nila ako dahil sa suot ko yun pala dahil nagtataka sila na may nakatira na sa bahay napa-isip naman ako dahil sa inasta nila.



Nilapitan ko ang isang ali pero mabilis itong tumakbo.


Anyari?

Inamoy-amoy ko naman ang sarili ko. Napatingin naman ako muli sa ali na tumakbo.


"Hindi naman ako maamoy. Baliw na ba mga tao dito. " Nagbalik ako sa pagwawalis hanggang sa may ali na lumapit sa akin pero hanggang sa gate lang siya. Tinawag ako nito.



"Mag-iingat ka pagsapit ng 12:00midnight" Hindi pa ako nakakalapit ng umalis na ito matapos sabihin sa akin iyon.





Anong meron sa 12:00midnight?


One Shot Stories Where stories live. Discover now