ISA akong babaeng kinaiinisan ng mga tao dahil siguro mataba ako. Hindi ako clear skin tulad ng iba, hindi rin ako maputi tulad ng mga ibang babae at hindi ako maganda tulad ng mga pinagmamalaki ng mga lalaki kaya siguro walang may gusto saakin. I'm nobody. Pero may isa akong pinagpapasalamat sa Diyos dahil may isang tao tumanggap saakin at ipinagmamalaki ako kahit ganito ang itsura ko and that's Amari.
Amari Kenzo Hillary my one and only BoyBest friend, I'm very thankful to have him kahit na madalas ay busy siya at hindi niya ako nabibigyan ng oras para samahan kumain sa canteen pero hindi niya ako pinapabayaan sa tuwing andyan na ang mga bumubully saakin. Siya palagi ang pumuprotekta saakin, siya palagi yung andyan para saakin at kahit na anong sabihin nila sakaniya ay hindi siya nagpapatinag.
Gwapo siya kaya siguro madaming nagkakagusto sakaniya, isa siya sa mga hinahangaan ng mga kababaehan dito sa university namin bukod sa gwapo na, mayaman ay matalino ito kaya siguro magkasundo kami sa acads sa tuwing magkasama kaming nagrereview sa paborito naming place.
Ngayon ay kasama ko siyang naglalakad pauwi saamin dahil nakahiligan niya ng ihatid ako saamin 'pagkat hindi naman malayo ang sakanila samin.
"Rosalia, H'wag kana mag-alala hindi kana gagalawin ng mga 'yon simula ngayon." mahinang niyang sabi saakin sabay akbay na ikinabigla ko.
"Hindi ko naman sila masisi,Amari kasi lagi mo akong kasama, lagi kong kasama yung pinagpapantasyahan nila." ngumuso ko na ikinatawa niya.
"Bakit? Hindi mo ba ako pinagpapantasyahan?"pilyong ngumiti siya saakin.
"Mandiri ka nga!"mahina kong tinampal ang braso niya dahilan para lalo siyang tumawa.
Pero sa totoo lang ideal boy ko si Amari but since he's my BBF hindi ko na tinangka na sabihin sakaniya na naaaliw ako sakaniya, na may gusto nako sakaniya. Siguro hindi naman masisi kasi sino ba namang hindi magkakagusto sakaniya? I'm he's Girl best friend since High school pero gayon pa man hindi pa rin nagbabago turing niya saakin, at kahit naman sabihin ko sakaniya na nagkakagusto nako sakaniya hindi niya ako magugustohan kasi hindi ako yung tipo niya.
"Pero what if,Tabs? Nagkakagusto nako sayo, magugustohan mo rin kaya ako?" Saglit akong napahinto sa paglalakad ng sabihin niya 'yon.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko na hindi ko na maalis ang pagkatingin sa mga mata niyang kumikislap sa kagandahan nito.
"Hoy! Joke ko lang, natulala kana naman sa gwapong mukha ng best friend mo!"pukaw nito saakin.
"S-Siraulo ka talaga magtanong! H-Hindi tayo talo!" Sambit ko. Naramdaman kong may kirot akong naramdaman matapos kong sabihin sakaniya yon.
Hindi naman ako umaasa na magugustohan niya ako at syempre natatakot ako na baka pag umamin ako sa nararamdaman ko sakaniya ay iwasan niya ako, na baka hindi na niya ako kausapin dahil ganon naman ang mga nangyayari sa ibang magmakaibigan na nagkakagusto sa kaibigan nila. Natatakot ako na baka iwan na niya ako pag nalaman niya kaya minsan ay hindi ko pinapahalata sakaniya na minsan,kinikilig at napapangiti talaga ako sa tuwing inililigtas niya ako sa mga bullies.
***
"Rosalia!" habol nito saakin na pilit kong naglalakad ng mabilis palayo sakaniya.
Nakita ko kasi siyang kasama at kahalikan si Dani at ang sakit-sakit non para saakin na yung taong mahal mo ay kahalikan na ng iba. Tanggap ko naman na kaibigan lang ako na wala akong karapatan na masaktan ng ganito pero ako lang naman to? Ako lang naman 'tong nagkakagusto sakaniya, nagmamahal sakaniya ng palihim kahit ang sakit-sakit na.
Hindi ko mapigilan na umiyak ng tuluyan na niyang mahawakan ang mga kamay ko.
"Rosalia.." nangungusap ang boses nito pero hindi ko siya nilingon.
"B-Bakit ka umalis?"tanong niya.
"Bakit ka umiiyak?"tanong niya ulit saka ako iniharap sakaniya.
"Answer me.."
Nanatili akong nakayuko sa harap niya.
"Rosalia.." Niyugyog ako nito. "Why are you cryi---"
"It's hurt.." sagot ko. Huminto siya sa pagyugyog saakin at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.
"It's hurt, Amari na makita kang kahalikan si Dani, you know what? Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi hindi ka mawala sa isip ko, noon pa man. Nasasaktan ako kasi may iba kanang gusto at nasasaktan ako kasi bakit sa dinami-dami ng lalaki bakit ikaw pa yung nagustohan ko, minahal ko na hindi naman ako ang tipo." halata parin sakaniya ang pagkagulat sa mga naririnig.
"Amari..Ngayon alam mo na, iiwasan mo na ako? Iiwan mo na akong best friend mo kasi diba? Ganon naman ee."
"Rosalia.."
"Puro ka naman Rosalia..Rosalia! Ano ba Amari! Mababaliw na ak-!"
"Minsan ba, natanong moko kung ano ka ba saakin? Minsan ba Rosalia naniwala ka sa mga joke ko? Hindi diba?"
"H-Ha?"
"Mahal kita.." nalaglag ang ilang butil ng luha ko ng marinig ko yon muna sakaniya."Mahal din kita..noon pa."
"M-Mahal mo ako?"
"Oo, kaibigan kita mula high school pero hindi ko akalain na sa tuwing kasama kita lumalago yung nararamdaman ko sayo. Akala ko noon hindi kita magugustohan pero nagkamali ako. Unti-unti kang napamahal saakin kaya sa tuwing may lalaking lalapit sayo nagseselos ako. Pag may nangbubully sayo andyan ako lagi kasi ayokong naaapi yung Mahal ko. I'll protect you no matter what happened. Mahalaga ka saakin kaya lahat ginagawa ko, hinahatid kita para alam kong safe ka, sinasamahan kita kumain minsan para alam kong hindi mo pinapabayaan sarili mo. Kasi mahal kita kahit sabihin man nilang hindi tayo bagay para saakin para tayo sa isa't isa."nakatingin ako sakaniya habang panay hikbi niya.
"At kung iniisip mo yung kanina? Kung bakit hinalikan ko si Dani? Hindi ako yung humalik. Siya yun kasi Mahal niya ako pero sinabi ko sakaniya na ikaw yung Mahal ko at nagalit siya. Hindi niya daw akalain na magugustohan kita at ako rin. Hindi ko rin akalain na mamahalin ko yung taong para ko ng kapatid. But this time ayaw nakitang ituring na kaibigan lang.."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gusto nakitang maging girlfriend..will you?"
Napayakap ako sakaniya at doon ako humagulhol. Hindi ko alam kung gaanong saya yung nararamdaman ko, ito na siguro yung pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
He's my Best friend and now he's my Boyfriend.
YOU ARE READING
One Shot Stories
Historia CortaMaiikling kwento na aking sinulat na punong-puno ng malawak na imahinasyon at emosyon sa bawat letra na aking pinagtatagpi-tagpi at binubuo ng mga tauhan sa aking isipan na nagbibigay ng isang maikling kwento nang pag-ibig.
