D E C E M B E R

96 0 0
                                        

Unang araw ng December, huling buwan nitong taon, at aming Anibersaryo ng aking kasintahan.

Masaya akong nagtungo sa lugar kung saan siya nagtatrabaho habang dala ang isang Boquet ng bulaklak na pinalibutan ng mga 1k na pera bali, 10k lahat ng perang nakapaligid sa tulips flower na dala ko at nasa bulsa ko naman ang isang diamond silver ring na may halagang 50k. Lahat ng pagpaparinig niya sa social media tungkol sa proposal ay lahat tinupad ko. Andon na ang mga kaibigan ko sa pinagtatrabahohan ng girlfriend ko soon to be my Fiancë.

10years na kami, kaya balak ko na magpropose para hindi na kami maghiwalay pa.

Pagkarating ko palang sa harapan ng isang hospital kung saan siya ay isang nurse. Kaba agad ang bumalot sa aking dibdib, napansin kong tahimik sa loob ng hospital, ang mga tao sa labas ay nagsasaya. Bumaba ako sa aking sasakyan at naglakad papasok sa hospital hindi pa ako nakakapasok, nasa pinto palang ako ng makasalubong ko si Kido ang best friend ko.

"H'wag kanang tumuloy.." yun lang ang narinig ko sakaniya bago niya itinuro ang lugar na pinanggalingan niya. Kung saan ang lugar ay maraming naghihiyawan, habang ang girlfriend ko ay masayang sinuotan ng singsing na kapareho ng singsing na dala ko. Pinigilan kong tumulo ang luha ko pero huli na, kasi nag-uunahan ng bumuhos at ayaw ng tumila pa.

Makikita ko sa mga mata ng babaeng Mahal ko ang saya, nang hindi ako ang dahilan.

"Congratulations Jerian...I love you" at lumingon siya sa akin, nawala lahat ng ngiti sa mga labi niya ng makita akong nagdudusa ng makita siya. Binato ko ang hawak kong Boquet ng bulaklak pati na rin ang dapat na isusuot ko sakaniya na singsing at tumakbo ako paalis doon. sobrang sakit.

Umaasa ako na ako, ako ang luluhod sa harapan niya. Ang taong pakakasalan niya. 10years relationship pero hindi pala sapat yung tagal para ikaw yung piliin.

One Shot Stories Where stories live. Discover now