26

71 4 0
                                    

I can't believe that a lunch could be this awkward. 

Magkatabi kami ni Luke habang nasa kabisera naman si Lola Carol, at nasa aking harapan naman si Nikkella. 

Ang tahimik lang namin sa hapag kainan, nagka-ingay lang nang tanungin ako ni Lola Carol kung kumakain ba ako ng mga pagkain na hinanda nya gaya ng seafood paella, inihaw na liempo at pusit, at suam na mais. 

"Kumakain ka ba ng ganito apo? Pasensya na at hindi na ako nakapag tanong" ani ng matanda, nahihiya naman akong ngumiti rito. 

"Ayos lang po Lola at kumakain  naman po ako nito" sagot ko at nakangiting tumango ito sa aking tinuran. 

Kukuha na sana ako ng kanin nang inunahan ako ni Luke at sya na ang nag lagay ng kanin sa aking pinggan. 

"Tama na, hindi ko mauubos" bawal ko sa kanya at tumingin lang sya sa akin bago tumigil. 

"Anong gusto mo?" tanong nya at handa ng abutin ang anumang gusto ko. 

"Seafood paella will be okay" ani ko at tumango lamang sya at kinuha iyong lalagyan ng seafood paella at nilagyan din ang aking pinggan. 

"This is enough" ani ko ng makitang dadamihan nya pa, punung-puno na ang pinggan ko. "Thank you" ani ko at ngumiti sa kaniya ng lingunan nya ako. 

Napatulala pa sya sa akin pero hindi ko na sya nilingon pa, napansin ko rin ang pag lagay nya ng tubig sa aking baso at habang ganoon ay napansin ko ang pag lagay ni Nikkella ng kanin sa pinggan ni Luke kahit medyo malayo sya. 

"Hindi na Nikkella, salamat. Kaya ko na" sabi ni Luke at napalingon naman sa akin si Nikkella at kita ko ang panlulumo nya bago sya tahimik na tumango sa sinabi ni Luke at bumalik na sa kaniyang pagkaka-upo. 

Bumaba ang tingin  nya sa kaniyang plato, kaya napasunod ako sa ginawa nya at napansin kong wala pang laman ang pinggan nya. 

"O Nikkie? Ayaw mo ba ang niluto ko?" Nag-aalalang tanong ni Lola Carol. 

"Ah... Gusto ko po ng luto nyo nay" aniya sa mahinhin na boses at lumingon pa kay Luke na busy sa pag-aasikaso sa akin. 

Nay pala ang tawag nya kay Lola Carol? They are really that close then? Sabagay, simula palang bata si Luke ay magkasama na sila ni Nikkella. 

"Kumain ka ng marami ah. Nangangayayat ka na" ani ni Lola Carol.

"Opo, nay" sagot nya at ngumiti sa matanda bago sya mag simulang mag sandok na ng kaniyang pagkain. 

Tahimik naman akong kumain habang maingay si Nikkella sa pagbibigay puri sa luto ni Lola Carol na tuwang-tuwa naman. 

"Masarap ba ang pagkain, Bella apo?" baling sa akin ng matanda. 

Nagulat pa ako at muntik ng masamid, uminom ako saglit ng tubig bago ngumiti sa matanda. 

"Masarap po pala talaga kayong mag luto, Lola" ani ko at natawa naman sya. 

"Masaya ako at na gustuhan mo ang tanghalian ngayon" aniya at ngumiti naman ako sa kaniya. "Kumain ka ng marami ah? Magpakabusog ka, may hinanda rin akong pang himagas" dagdag nya at masaya naman akong tumango sa kaniyang sinabi. 

Naging maayos naman ang tanghalian namin, kaya lang ay medyo awkward sa pakiramdam lalo na ay nararamdaman ko ang mabibigat na titig ni Nikkella sa amin ni Luke at mariin naman ang titig nya sa akin.

Bratinella Series 1: GladiolusWhere stories live. Discover now