Chapter 11: Kakaibang mga tagapagbantay

804 80 7
                                    

Tumalon naman pababa si Steffy saka tiningnan ang mga halimaw na pinapaligiran ng mga estudyante at mga kawal.

Tinaas ni Steffy ang kamay sabay sabi ng "don't freeze." Bigla na lamang nanigas ang mga halimaw at di na makakagalaw.

Nagkatinginan ang mga kawal. Maging si Arshi Aldrix halos malaglag na ang panga sa bigla.

"Don't freeze tapos nanigas sila?" Naguguluhang tanong niya.

Nilapitan ni Steffy ang tatlong halimaw na nakagapos na. Hinawakan niya ang mga ito at sinabing "don't heal." Nagliwanag ang kanilang mga katawan at naglaho ang kanilang mga sugat. Bumalik din sa dati ang kanilang kompleksyon at nawala na ang tila patay nilang mga mata.

"Anong nangyayari sa akin?"

"Bakit nandito ako?"

"Anong ginagawa ko dito?"

Naguguluhan ang dating mga halimaw na at napatingin sa kanilang sariling nakagapos parin.

"Bind." Sabi ni Steffy. Bigla na lamang natanggal ang mga nakagapos sa tatlo.

"Siguro naman alam niyo na kung paano gamutin ang apat pa at ang Deijo monster na iyan." Sabi ni Steffy.

Nakaawang parin ang mga bibig nila. Isa sa mga estudyante ang lumapit sa naka-freeze na mga halimaw at sinabing "don't heal" bigla na lamang gumaling ang mga sugat ng apat na halimaw ngunit walang epekto sa Deijo monster. Hindi rin sila naibabalik sa dati.

"Hindi kayo makakabalik sa kung ano at sino kayo." Sabi ni Gellian at itinutok ang palad sa apat na halimaw.

Nagliwanag ang katawan ng apat na mga halimaw at unti-unting bumalik sa dati ang kanilang hitsura.

"Hindi na magbabalik ang iyong alaala at ang tunay na ikaw." Sabi naman ni Kwetsy sa Deijo Monster.

Umungol ang Deijo Monster nakikita nila kung paano dahan-dahang lumiit ang naglalakihan nitong muscles at nagiging Chamnian ang nakakatakot nitong mukha kanina.

Napatalon-talon naman si Kwetsy sa natuklasan. "Ito lang pala ang tamang paraan sa pagamit ng aking kapangyarihan."

"Ele, ang galing mo. Sabi ko na nga ba e ang talino mo." Yayakapin sana si Steffy kaso lumayo na ito.

"Ang astig ng kapangyarihan niya. Maari ring gamitin ng iba." Manghang sambit ng isang baguhan na katulad ni Kwetsy.

Dahil sa natuklasan excited na silang makahanap muli ng mga infected Vergellian para masubukan ang reverse version ng kanilang mga kapangyarihan o kung ano ang maipapalit dito kapag hindi ang inaasahan nila ang lalabas.

"Tanging healer lamang ang makakapag-cast ng don't heal. Kung gano'n mga healer kayo?" Tanong ni Arshi Aldrix kina Steffy at Gellian.

"Opo." Panabay na sagot ng dalawa.

Napatingin ang guro sa mga sugatan at sa mga posibleng mahawaan na ng virus dahil nakagat sila kanina.

Saka napatingin si Steffy na halos lahat ay may mga sugat maliban sa kanila nina Kwetsy na di sumali sa laban.

"Heal." Sambit ni Steffy. Lahat sila biglang nabalikan ng lakas at naglaho rin ang kanilang mga sugat.

"Magaling na ako." Napatingin ang lalake sa kanyang braso na nakagat kanina. Nawala na ang kanyang sugat na tila ba di nag-eexist kanina.

"May kakayahan ka naman pala, bakit hindi ka tumulong kanina?" Tanong ng isang estudyante na may paninisi ang tono.

Tiningnan siya ni Steffy. "Nandito kayo para gumaling at matuto. Paano kayo matututo at magiging malakas kung hindi kayo lalaban? Paano kayo matutong tumayong mag-isa kung sa bawat pagsubok na para sa inyo, iba ang gagawa? Kung wala kayong balak maging malakas at walang balak gawin ang ipinapagawa sa inyo, umalis nalang kayo. Bakit pa kayo mag-aaral at sasali sa ganitong uri ng training di ba kung kawal niyo lang naman pala ang gagawa ng lahat?"

The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon