Chapter 7: Identity and Elemental Test

636 72 8
                                    

Napasimangot si Steffy mapansing wala siyang makikitang mga pagkain sa paligid.

"May mga katanungan ako sa'yo kaya sana naman sagutin mo ako ng maayos."

"Opo."

"Mukha namang masunurin at matinong bata. Basta ba di lang titingnan ang kanyang mukha." Sambit ni Grand Elder Sefan sa isip na medyo nabawasan na ang sama ng loob kanina.

Tumikhim muna siya bago magtanong. "Paano mo napapasunod sa'yo ang mga Deijo monster? Isa ka bang manipulator?" Tanong niya.

"Maayos." Agad na sagot ni Steffy.

"Anong maayos?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sefan.

"Sagot ko po." Seryosong sagot ni Steffy.

"Pigilan niyo ako. Gusto ko ng mambugbog ngayon." Ilang ulit na huminga ng malalim si Sefan para di sumabog sa galit. "Mauubusan na yata ako ng pasensya nito."

Matapos ang ilang malalim na paghinga, muli na rin siyang nagsalita.

"Maliban sayo, wala pang nakakakontrol na ibang nilalang sa mga Deijo Monster. Hindi ko alam kung paano mo yon ginawa, maliban nalang kung isa kang manipulator o kontroler na kayang magkontrol ng mga halimaw o may dark magic."

"May nakita na po ba kayong nilalang na naka-control ng mga halimaw o ng sinumang may dark magic?" Tanong ni Steffy pabalik.

"Meron. Si Rushka."

Napatingin ng seryoso kay Steffy. "Imposible namang may kakayahan siyang katulad ni Rushka." Tiningnan si Steffy mula ulo hanggang paa. Hindi naman ito mukhang malakas. Kaya lang, wala siyang maisip na ibang dahilan kung bakit napapasunod ni Steffy ang mga Deijo Monster.

"Paano mo napapasunod ang mga Deijo monster sa'yo?" Direct to the point na tanong ng Captain ng mga Knight ng Ziver College.

"Baka siguro inaakala nilang kalahi ko sila?" Patanong na sagot ni Steffy habang nakahawak sa chin niya. Nakaupo sina Sefan at ang captain na ito samantalang siya nakatayo. May iilang mga maid namang nakatayo sa gilid na naghihintay ng utos. At may mga kawal ding nakatayo malapit sa may pintuan.

Nagkatinginan sina Sefan at ang Knight captain. Iniisip na wala silang mapapalang impormasyon mula kay Steffy. Kaya naman, napagpasyahan nilang tawagin si Kwetsy at ito na naman ang tinanong. Kaya lang pareho sila ng sagot ni Steffy.

"Baka po takot sila sa mukha niya o di ba kaya, inaakala nilang kalahi nila?" Ito ang sagot ni Kwetsy nang tanungin siya kung may alam ba siya kung paano napasunod ni Steffy ang mga Deijo monster.

Pinaalis na lamang ni Sefan ang dalawa sa pag-alalang mauubusan siya ng pasensya at tamaan pa sa kanya ang mga batang yon.

Inutusan ang mga examiner na subukan si Steffy at alamin ang mga kakayahang taglay nito.

"Bakit kailangan kong ma-identity test? Di naman ako kasali sa exam a." Sambit ni Steffy at napanguso. Kaharap niya ngayon ang isang green na bolang kristal.

"Sumunod ka nalang." Sabi ng isang lalaki na halatang nauubusan na ng pasensya. Hindi rin naman kasi nito gustong suriin ang ability ni Steffy dahil halatang-halata ng isa lamang itong Gelerian na hindi naman espesyal dahil sa ordinaryong aurang nakapaligid kay Steffy.

"Gawin mo na lang para matapos na." Sabi ni Kwetsy.

Lumapit si Steffy sa green na bolang kristal at ipinatong ang isang palad dito. Makitang hindi nagliwanag ang bolang kristal nagsalitang muli ang examiner.

"Mag-isip ka ng mga elemento ng Mysteria at pakiramdaman mong mabuti, saka ka magpasa ng kaunting Chamnian Tzi sa bolang kristal." Utos nito.

Makitang hindi parin nagliliwanag ang bolang kristal naiirita na ang lalake. "Sabi ko na nga ba't wala kang kakayahan. Nag-aaksaya ka lang ng oras ko." Sabi nito at marahas na kinuha ang bolang kristal nang bigla na lamang itong nagliwanag.

Sa halip na mga elemento ang lilitaw sa ibabaw nito, isang imahe ng lechong manok ang makikitang nagliliwanag. Ilang sandali pa'y nagbago ang imahe at napalitan ng isang plato ng sweet and sour pork hanggang sa nagbago na naman at may mga imahe pa ng iba't-ibang uri ng mga pagkain ang nagsilitawan bago naglaho.

Naagaw na rin nila ang atensyon ng tatlo pang examiner kaya napalapit na ang mga ito at nagtanong.

"Anong nangyayari? Bakit mga imahe ng mga pagkain ang lumitaw sa halip na isa sa pitong elemento?" Tanong ng isang babae.

Napatingin naman ang lalaking nag-examine kay Steffy. "Ano bang ginawa mo ha? Bakit hindi elemento ang lumabas? Ano bang iniisip mo?"

"Nag-isip lang ako ng pagkain. Lahat ng namimiss ko ng pagkain."

Examiners: New World record. Ang elemental crystal ball na kilala para mahulaan ang anumang taglay na elemento ng mga Chamnian, nahuhulaan na rin kung ano ang pagkaing iniisip ng isang nilalang.

"Ang sabi ko mag-isip ka ng elemento hindi mag-isip ka ng pagkain." Halos tubuan na ng sungay si Arshi Verynz sa galit.

Pinaulit niya si Steffy at binantaan na kung di pa aayusin ang ipinapagawa sa kanya ipapatapon na siya sa labas. Ilang sandali pa'y nagliwanag ng muli bolang kristal ngunit ang lumabas ay mukha ni Arshi Verynz na tila ba nahihirapang tumae.

"Bakit mukha ko yan?"

"Hiniling kong ipakita kung ano ang hitsura mo kapag nahihirapang tumae."

Napatingin ulit si Arshi Verynz sa mukha niyang makikita sa ibabaw ng green na bolang kristal na hindi mahitsura ang mukha habang pinipilit na ilabas ang anumang gustong ilabas. Ganito nga ang ekspresyon niya kani-kanina lang nang magbanyo siya.

Namula siya sa galit at hiya at hahawakan na sana sa kuwelyo si Steffy ngunit lumayo agad ito sa kanya.

"Lumapit ka dito, langya ka." Hinabol agad si Steffy ngunit nakatakbo na palayo.

***

"Grand Elder, nagkagulo po sa examination hall." Pagbabalita ng isang kawal.

"Ano na naman bang nangyayari ha?"

Itinaas ng kawal ang kamay at pumasok ang isang alipin na may dalang pandan flavor round cake na gawa sa kristal.

"Ano yan?"

"Yung bolang kristal po, nagiging hugis cake na."

Napatayo si Grand Elder Sefan sa narinig. Wala pang kahit sino ang may kakayahang baguhin ang hugis ng kanilang bolang kristal para sa pagsusuri ng mga elemento ng isang Chamnian.

"Sigurado ka bang ito ang bolang kristal natin?" Panigurado niya ikinatango naman ng kawal.

"Saksi po ang mga examiner. Sa katunayan nga po, hinahabol ngayon ni Arshi Verynz ang batang may gawa sa nakapagtatakang pangyayaring ito."

Hinawakan ni Sefan ang mala-cake na kristal at nag-isip ng elemento. Lumitaw ang kulay blue na maliliit na water droplets sa ibabaw ng bato, ibig sabihin na isa siyang water magic user. Ilang sandali pa'y, nagbago ito at may mga halaman ang lumitaw muli sa ibabaw ng mala-cake na kristal.

"Gumagana pa rin naman ngunit iba na nga lang ang hugis." Sambit niya na labis na nagtataka. Ito ang unang pagkakataon na nasaksihan niyang nagbago ang hugis ng batong pang-test nila sa mga elemento ng mga kabataan.

"Nasaan na ang bata?" Tanong niya.

"Hinahabol parin po ni Arshi Verynz. Nanggigil na kasi ito sa munting Shida." Sagot ng kawal.

***

The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon