(Paalala: Kapag hindi mo pa nabasa ang volume 1-3 basahin niyo muna bago dito para hindi kayo malilito. Enjoy reading...)
***
Nakayuko ngayon sina Min. Tinanggap ang lahat ng mga ibabato sa kanila ni Prinsesa Daniela."Mga walang kwenta. Bata lang hindi niyo na magawang dalhin sa akin?" Sigaw niya at binatong muli sina Min ng magic scroll na nakuha niya mula sa mesa ng kanyang amang hari.
"Tama na yan. Magpahinga ka na muna, Daniela." Mariing utos ng hari.
"Pero ama." Naitikom agad ang bibig makitang matalim ang tingin ng kanyang ama.
"Hindi mo sa kanila dapat inilalabas ang galit mo. Mga mandirigma parin natin sila, tandaan mo yan." Sagot ng ama ngunit hinayaan niya kanina ang anak na mailabas ang galit nito kina Min na nabigo sa pagdala sa babaeng dahilan kung bakit pumangit ang mukha ng minamahal niyang anak.
Sinabi ni Min na inatake sila ng mga Ecclescian at kinuha mula sa kanila si Steffy kaya hindi nila nadala. Iyon ay dahil ito ang sinabi sa kanya ni Steffy na gawin niyang dahilan kung gusto pa niyang makakabalik ng buhay sa Vergellia. Inaamin nilang takot sila sa hari nila ngunit mas takot sila sa sinumang kayang talunin ang top 1 kriminal ng Chamni at tinanggalan pa ng kapangyarihan na si Rushka.
Walang ibang nakakaalam maliban sa kanila at sa mga nakasaksi, na isa na lamang ordinaryong Mysterian si Rushka ngayon. Wala ng kapangyarihan at wala ng Chamnian energy. Ang di nila maintindihan ay sa bawat panahong ibabalita nila ang ganitong pangyayari, nakakalimutan nila ang anumang nais sana nilang sasabihin.
Kung hindi lang sila masyadong kailangan ng hari baka ipinaubaya na sila sa mga kamay ng prinsesa at pinapahirapan parin hanggang ngayon. Ngunit masyadong magulo ang Vergellia ngayong nagdaang mga araw. May mga Vergellian kasi ang bigla-bigla na lamang nawawalan ng kontrol sa mga katawan at kapangyarihan. Pumapatay sila na wala sa mga sariling katinuan.
Hindi lang yun, lumaganap ang isang karamdaman na hindi nila alam kung paano lunasan. At may mga magic beast din na nag-i-evolve sa pagiging halimaw at ang makakagatan ay nagiging halimaw na rin. Maging ang mga namatay dahil sa sakit ay nagiging halimaw na rin tulad ng iba.
Kung magulo ang kaharian, mas magulo sa palasyo. Iyon ay dahil sinasabi ng lahat na ito na ang karma ng kaharian dahil sa incompetent nilang hari, malupit na prinsesa at tagapagmanang prinsipe na madaling utuin.
Pinagmasdan ng grand king ang buong syudad. Mukhang tahimik ang kanilang kaharian ngunit kung gaano ito katahimik ganoon naman kapanganib.
"Magsisi na ba ako sa pagtakwil ko sa aking anak babae dahil sa pagpili niya sa isang may dugong Mysterian?" Sambit niya.
Maalala ang mukha ng batang itinaboy niya dahil sa hindi ito pure Chamnian, hindi niya maiwasang maitanong sa isip kung nakaligtas ba ito sa labas ng Chamni kung saan ang mga may lahing Chamnian ay pinapapatay o ini-eksperimentuhan.
"Kung masama ang mga Mysterian, anong pinagkaiba ng isang amang katulad niyo? Mas masama kayo ama. Kaya niyong itakwil kahit kadugo ninyo." Ang naalala na naman niyang sambit ng kanyang anak na babae matapos niyang itakwil ang batang kasama nito.
Ang lahat ng mga may lahing Mysterian ay pinalayas nila sa Vergellia at pinatapon sa Damien. Upang hindi makahawa sa ibang mga holy member ng Vergellia. Ngunit sa ginawa niyang pagtakwil sa kanyang sariling anak, saan banda ng pagka- Chamnian niya ang isang pagiging holy? Pinili niyang maging malupit kahit sa sariling anak at apo, para sa ikabubuti ng lahat, ngunit sa nangyayari ngayon sa Vergellia, posibleng mauubos ang kanilang lahi.
"Dumating na ba ang tulong mula sa CMA?" Maliban sa CMA wala na silang ibang mahihingan ng tulong.
"Mukhang meron pong problema sa lagusan. Wala na pong makakalabas ni makakapasok sa lugar na ito. Kaya posibleng hindi rin makakapasok ang sinumang magpapadala ng tulong sa ating kaharian." Sagot ng kanang kamay niya.
Nandilim ang paningin ng Grand King sa narinig. Naisip niyang ito na nga siguro ang parusang ibinigay sa kanila ng Poong Maylika, dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya noon. Kung walang darating na tulong mula sa CMA, hindi niya alam kung magtatagal pa ba ang kanilang kaharian.
Makitang laganap na ang panganib sa buong Vergellia, naisipan ni Haring Dan na tipunin ang lahat ng mga kabataang may kakaibang talento at sanayin sa Ziver College. Ang papasa sa pagsubok bibigyan ng titulong Holy Knight ng Vergellia at siyang ipapadala sa mga lugar kung saan laganap ang mga epidemya at kung saan sinasalanta ng mga halimaw.
Mula sa isang magarang na silid, makikita ang isang napakagandang babae na nakaupo sa isang maliit na trono. Kaharap nito ang isang lalaking may suot na gintong battle armor at may hawak na staff na may palamuting kulay gintong bato. Ito ang Dakilang Heneral ng Vergellia at may Mystic level ng kakayahan sa pagamit ng healing spell at fighting spell.
"Wala ka ba talagang balak tulungan ang kapatid mo, Kazumi?" Tanong ng lalake sa magandang babaeng kaharap.
Isang ngiti ang makikita sa mga labi ng babae. Ngiti ngunit hindi umabot sa mga mata.
"Hindi ko nga kayang iligtas ang pamilya ko, paano ko maililigtas ang isang kahariang nag-abandona sa akin?" Tanong niya at malamig na napatingin sa may bintana.
"Mga Mysterian at mga Chamnian, walang pinagkaiba sa kasamaan. Nararapat lang sa mundong ito ang mawasak." Mahina nitong sambit ngunit kapansin-pansin ang malamig nitong tono na halatang wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyayari sa mundong ito o sa kaharian nilang ito.
Nakaramdam ng panlalamig si Sirius. Nandito siya para kumbinsihin si Kazumi ngunit base sa tono ng boses nito at sa lamig ng mga tingin, imposibleng makakakuha sila ng tulong mula sa kanya.
Bagsak balikat na lumabas ng silid si Heneral Sirius at bumalik sa tahanan ng hari.
Sa buong Vergellia, si Kazumi lamang ang may Immortal level healing ability. At kung gugustuhin niya, kaya niyang gamutin ang mga karamdaman ng sinumang natamaan ng epidemyang ito dahil siya ang may Holy light na kayang manggamot ng mga sakit na dulot ng evil energy mula sa mga apektadong mga halimaw.
"Tama nga si Steffany. Hindi siya ang magpaparusa sa kahit sino, kundi ang langit mismo." Sambit niya at kumuha ng isang piraso ng prutas na kasinglaki ng ubas ngunit maputi ang balat nito. Isinubo niya ito at dahan-dahang nginuya.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible Clans
AventuraRead the volume 1 to 3 first.