Napahimas si Kwetsy sa likod ng kanyang ulo.
"Hindi ko inaasahan na ikaw pala 'yan. Nasaan na ang iba?" Tanong ni Channer.
"Magsa-sight see pa ang mga yun." Sagot ni Steffy.
Makitang kakaiba ang tingin ng mga magulang nila, tumayo si Channer at ipinakilala si Steffy.
Tumikhim muna "siya nga pala si.."
"Kyuti." Pagpapakilala ni Steffy.
"Siya nga pala si Kyuti, isa sa tumulong sa amin kaya nakabalik kami ng ligtas." Pagpapakilala ni Channer kay Steffy sa mga magulang.
"Chan, di ka ba kinilabutan nang tawagin mo siyang Kyuti?" Tanong ni Chinde, at hinimas ang nanayo niyang mga balahibo sa braso. Itinikom agad ang bibig makitang pinandilatan siya ng mata ng kakambal.
"Ako si Serena Z. Feihyer." Pagpapakilala ni Serena.
"Sirius S. Feihyer." Pagpapakilala ni Sirius.
Tiningnan naman ni Kwetsy si Steffy na parang sinasabi na 'wala ka bang balak magpakilala kina ina at ama ha?' na nakataas ang isa niyang kilay habang nakatitig kay Steffy.
"Ikinagagalak ko pong makilala kayo." Sagot ni Steffy na ikinatingin nina Chinde at Channer sa kanya. Gusto man nilang sabihin kung sino si Steffy ngunit mapansing wala itong balak magpakilala sa mga magulang nila, hindi nila ito pangungunahan.
"Kung ikaw ang Master ni Kwetsy, ibig sabihin nito na bisita ka namin at hindi alipin. Ngunit bakit ka nga pala napadpad sa mga kamay ng mga Vergellian traffickers?" Tanong ni Serena.
"Makikain lang sana sa kanila. Ayos lang din naman. Libre naman pagkain don."
Napatingin naman si Serena kay Kwetsy. Kung si Kwetsy nakikidnap dahil lang sa may nakikitang gwapo o maganda, ito namang isa dahil sa pagkain. Hindi naman mukhang pulubi. May mas wirdo pa pala sa mga anak niya na ikinahinga niya ng maluwag dahil may kalahi na ang wirdong mga anak.
"Balak ko sanang makapasok sa Ziver College ngunit bilang alalay sana, kaya pabor sa akin kapag gawin niyo akong alalay ng sinuman sa mga anak niyong papasok sa Ziver." Sinabi agad ni Steffy ang ninais niya.
Base kasi sa mga tingin ng mag-asawa, mukhang wala na silang balak gawin siyang alalay.
"Bakit mas gusto mong maging alalay kaysa magiging regular student?" Tanong ni Sirius.
"Para kahit di ako mag-aaral ayos lang. Saka di ako binibigyang pansin kasi alalay lang ako." Paliwanag niya. Ayaw niyang mag-aral. Makigyera na siya't ano pa, wag lang mag-aral. Aantukin kasi siya.
"Ako din, mas gusto ko ding maging alalay nalang." Masiglang sabi ni Kwetsy. Sa totoo lang, napakatamad din niyang mag-aral. Iyon ay dahil madali lang naman ang mga lessons nila at walang ka-challenge-challenge para sa kanya.
"Hindi isang ordinaryong paaralan ang Ziver kaya hindi ito kasing boring sa mga paaralang pinasukan mo dati." Paliwanag ni Sirius.
"Magsasanay kayo sa loob ng paaralan para maging isang Holy Knight, Vergellian Warrior or The Kingdom's Hero. Hindi ang mag-aral ng iba pang mga bagay."
"Hindi ba maaaring hindi na isasali si Sayren?" Tanong ni Serena sa asawa. Kapag kasi pumasa ang anak niya sa entrance exam at maka-graduate sa Ziver College, tiyak na ipapadala ito sa mga mapanganib na misyon na siyang ikinabahala ni Serena.
"Sayren?" Sambit ni Steffy at nakakunot ang noong nakatingin kay Kwetsy.
"Second name ko. Napapangitan kasi sila sa first name ko e. Mas napapangitan kaya ako sa apelyido nila." Agad tumikhim makitang nakatingin sa kanya ang mga magulang.
BINABASA MO ANG
The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible Clans
PertualanganRead the volume 1 to 3 first.