Chapter 9: My candy

847 72 10
                                    

Nabigla naman si Minyani dahil bigla siyang tinulak ni Kurt. Napangiwi siya dahil sa pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa.

"Ayos ka lang ba?" Mabilis na tanong ni Kenichi kay Kurt.

"Bakit mo ba siya tinulak ha?" Inis na tanong niya kay Kurt ngunit naitikom niya ang bibig makita ang matalim na tinging ibinigay sa kanya.

Abala naman ang iba sa pakikipaglaban sa Deiyo beast.

"Ayos lang ako." Mahinang sagot ni Minyani.

Dumating naman ang mga CMA student at kinamusta si Minyani.

"Kapag nahihirapan ka na sa Immortal College, pumunta ka nalang sa CMA. Naghihintay kami sa'yo." Sabi ni Meyoni sa kapatid.

Kundi sa ayaw ng kapatid niyang umalis sa Immortal College baka matagal na nila itong kinuha. Kaya lang, mas gusto nitong manatili sa immortal College na ikinabahala ng mga taga-CMA.

A week ago, natagpuan si Minyani ng mga Mystikan at iniligtas siya laban sa mga Deiyo beast na umaatake sa kanya. Dinala siya sa Immortal College at naging official student dito dahil na rin sa may dugo siyang Mystikan at may napakalakas na Light magic at may kakayahang gumamit pangmalawakang healing ability.

May hinala ang lahat na siya ang Chosen Savior ng Mysteria. At posibleng siyang tinagurian nilang Holy Chosen One. Kaya naman pinag-aagawan siya ngayon ng mga Mystikan at Chamnian.

At dahil sa biglaang pagsulpot ng Holy Chosen One, naisipan na ng mga Chamnian na hanapin ang mga pinili sa buong Mysteria.

***

Napahawak si Steffy sa kanyang chin habang pinapanood ang meeting ng mga pinuno ng Chamni.

"Mukhang madidisturbo na sina Yuna, Yuzin at iba pa nito. Dadami na rin ang mga bisita sa Hariatres nito. Sige lang, hanapin niyo ang mga Pinili. Pag-isahin ko muna ang limang Invincible clan." Sambit niya.

"Paano kung hindi sila magkakaisa?" Tanong ni Orion.

"Hindi ko naman kailangang pag-isahin talaga. Kailangan ko lang ibalik sa mga kaibigan ko ang anumang mga bagay na nararapat sa kanila. Para madali nalang sa aking pagtuonan ng pansin ang paghahanap kina Kuya, mama at papa."

Seryoso namang tumitig sa kanya si Orion. Ilang sandali pa'y nagsalita ito.

"Paano kung isang araw, matuklasan mong magkaaway kayo, ano ang gagawin mo?" Tanong ni Orion na ikinatigil ni Steffy.

Naalalang bigla ni Steffy sina Stacey at Steve. Isinilang silang magkakapatid ngunit hindi maaaring magsama sa iisang lugar.

Bigla namang niyakap ni Steffy si Orion at nagngawa agad.

"Waaah. Kuya Orion. Di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko? Mission or love?"

Nabigla naman si Orion sa biglang pagyakap ni Steffy sa kanya.

"Anong misyon or love ka diyan? Steffy, tandaan mo, bawal kang umibig lalo na sa mga kalaban."

"Lahat ng mga mahal ko sa buhay, nakikita ko sila bilang kalaban sa hinahanarap." Sagot ni Steffy na nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib ni Orion.

"Kung mission ang pipiliin mo, madali na lamang para sa lahat ang makabalik sa Mystika. Bakit mo pa ba pinapahirapan ang iyong sarili?" Sumama ang mukha niya dahil ginawang pamunas ang kanyang damit. Inaakala pa naman niyang walang luha si Steffy. Madalas kasi kapag umiiyak o nagngawa, wala naman siyang luha at sipon. Pero ngayon meron na.

"Di ko pa natikman ang lahat ng mga prutas sa buong Mysteria kaya nalilito na ako. Saka yung mga pagkain sa bawat sulok ng Chamni di ko pa natikman. Higit sa lahat, di pa ako nagkaka-boyfriend. Titigil na ba ako o magpapatuloy pa?" Sagot ni Steffy at umiyak ulit.

The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon