Chapter 2: Sapat na may matawag na mukha

852 79 10
                                    

Napapakamot na naman ng ulo sina Zin habang pinagmamasdan ang ginagawa nina Steffy.

"Ano na naman bang binabalak ng kamahalan? Bakit nagpahuli sila sa mga Vergellian traffickers?" Tanong ni Zin.

"Kailangan nila ng identity sa loob ng Vergellia kaya nila naisip ang bagay na iyan." Paliwanag ni Orion.

"May naisip din ako, para mapadali ang pangangalap natin ng mga impormasyon sa lugar na ito." Suhestiyon ni Hoffer.

Sinabi niya ang kanyang plano na sinang-ayunan naman ng mga kasama.

Sina Lucid naman, kausap ngayon si Yunic at tinanong kung maaari ba silang lumabas bilang bodyguard nito kunwari.

Natagpuan na ni Yunic ang tahanan niya at nakabalik na rin ito sa orihinal na katawan. Dahil na rin sa kapangyarihang nasasagap niya mula sa Haimyr, kaya na niya ngayong magkatawang tao, Mysterian o Chamnian ayun sa kanyang gusto. Kinuha ang identity bilang isang Sacred Lord ng Sacred Land mula sa isa sa mga Independent States ng Chamni.

Napatingin si Yunic kina Gellian at Jewel at napahawak sa chin niya.

"Ilang taon ang kinukuha nilang maaaring pumasok sa Ziver College?" Tanong niya.

"Mula five years old hanggang sa 30 years old." Sagot ni Spyd.

"Tamang-tama. Kunwari anak ko sila, tapos kayo ang mga bodyguard. Nang sa gano'n maari rin kayong pumasok sa Ziver bilang bodyguards nilang dalawa." Sagot ni Yunic.

Kapag bodyguard lamang ang identity  nila o alipin, hindi sila gaanong pagtutuonan ng pansin.

"Kaya lang, kapansin-pansin ang mga mukha nila e." Sambit ni Sparr makita ang mga mukha nina Zin na talo pang royalty. Hindi bagay sa kanila ang magiging bodyguard.

"Bakit? Bawal na bang may gwapong hitsura sa mga bodyguard?" Tanong ni Lucid.

"Hindi naman. Pero yung mga aura ninyo hindi talaga pang-bodyguard e. Para nga kayong mga hari o ba kaya mga ligaw na prinsipe. Lalo ka na." Sagot ni Sparr.

"Hari naman talaga ako." Sagot ni Lucid.

"Kung magpapanggap ka ring guwardiya, alalay o bodyguard dapat makatotohanan naman." Sagot ni Sparr.

"E anong gagawin natin?" Tanong ni Yunic.

"Maskara." Sagot ni Orion.

Habang nagpaplano sila sa loob ng Haimyr, nasa loob naman ng isang saradong silid sina Steffy.

"Paano kung walang bibili sa atin para gawing alipin ha?" Tanong ni Aya.

"Meron nga." Panigurado ni Steffy.

"Sa dami ng pwedeng gawin, alipin pa ang napili mo?" Iiling-iling na sambit ni Sioji. Napapasimangot talaga siya kapag nakikita ang bago niyang mukha na masyado ng ordinaryong tingnan. Nanghihinayang siya sa kagwapuhan niya na di nakikita ng iba. Ngunit kapag nakikita niya ang mukha ng pinsan, gumagaan na agad ang pakiramdam niya kasi natatawa siya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Steffy sa pinsan.

"Mukha ka kasing inipit na mukha." Sagot nito sabay tawa. Nagsitawanan din ang mga kasama. Tiningnan niya nang may pagdududa si Rujin na pinipigilan ding matawa.

"Sabi mo gawin kong malapad ang mukha mo sa paningin ng iba. Ginawa ko lang naman ang utos mo a." Katwiran ni Rujin na idiin ang mga labi para di makatawa kapag pinapanood ang mukha ni Steffy.

"Kapag alipin tayo, hindi nila aakalain na kaya nating gumawa ng malaking bagay, okay? Saka kahit may gagawin man tayong kababalaghan, hindi nila aakalaing gawa natin." Paliwanag ni Steffy sa kanila.

The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon