"Ikaw kasi e. Ang bagal-bagal mo. Hindi ko na tuloy naabutan ang panginoon ko." Singhal ng lalaking may itim na buhok sa may silver na buhok. Pabagsak pa itong umupo sa puting couch.
"Hindi ka ba nahihiya? Tinatawag mong Panginoon ang isang bata? Ikaw na ilang libong taon na sa mundong ito, pinapanginoon ang isang bata?" Iiling-iling na sambit ni Silven ang lalaking may silver hair.
"Pakialam mo ba? Siya na ang Master ko dito at sa Mystika." Nakangiting sagot ni Dark.
"Baka nakakalimutan mo, nandito tayo para mahanap sina Master Casey at Sandra? Hindi ang sumamba ng iba." Sabi naman ni Warren ang lalaking may gintong buhok.
"Tumanda nalang tayo sa mundong ito, hindi ko pa nakikita ang palatandaan na nandito sila sa mundong ito. Mas mabuti pang bumalik nalang tayo sa Mystika kaysa hanapin ang mga nilalang na hindi nga natin kilala." Sagot naman ni Silven.
"Ma-re-reincarnate lang tayo sa mundong ito ng paulit-ulit kapag hindi natin matapos ang misyon natin. Pero natatandaan niyo pa ba ang misyon natin kung bakit tayo napasok sa mundong ito?" Sagot ni Warren.
"Sa pagkakatanda ko ang main mission natin ay ang maging gabay at tagapagligtas ng piniling Regent ng Mysteria. Yung batang iyon ang pinili ko. Di bali ng hindi siya. Malay natin baka siya nga." Sagot ni Silven.
"Sabi mo hindi ka sumasamba ng bata e ginagaya mo naman ako. Maghanap ka ng iba hindi ang pinapanginoon ko." Sagot ni Dark.
"Magkaiba ang pagsamba sa piniling bantayan. Gusto ko lang siyang maging Regent hindi maging panginoon." Sagot ni Silven.
Tahimik naman si Warren na abala na sa pagtitipa sa kanyang miliphone. Bigla siyang napatayo makita ang dalawang batang nagkatago sa mga mata ng mga Mysterian.
"Tingnan niyo, may live stream na naman ang mga bratty gang. E sandali bakit page ito ng lazy princess?" Tanong niya.
Agad namang binuksan ng dalawa ang kanilang mga Myllenia account.
"Woah, nagsama ang lazy princess at bratty princess sa isang eksena. Mas maganda sana to kapag nandito rin si Cold princess at Lighting princess. Para kumpleto sila." Nai-excite na sambit ni Dark.
"May mali yata sa video na ito e. Ang ganda ganda kaya ng bratty princess e parang pinitpit na mukha naman itong nandito." Angal ni Silven.
Bigla naman silang nagkatinginan nang may napagtanto.
"Kaya naman pala hindi natin matag-tagpuan ang Bratty gang dahil nagpalit sila ng mga anyo." Sambit ni Dark.
"Wag kayong maingay. Tingnan natin kung ano na naman ba ang pakulo ng dalawang ito." Sambit ni Warren.
"Papalitan na naman kaya ng mga minatamis ng lazy princess na iyan ang mga gamot sa laboratory?" Panghuhula naman ni Silven. Noong una kasi nilang napanood ang video ng lazy princess, pinalitan nito ng candy ang mga gamot sa laboratoryo ng isang healer na Chamnian. At natuklasang ang gamot palang iyon ay ginagamit ng mga controller sa pagkontrol ng mga Chamnian. Kaya napapaisip sila kung bakit nasa underground laboratory ng Zifer ang dalawang kilala sa tawag na bratty princess at lazy princess?
Sa loob naman ng laboratoryo dahan-dahang binuksan ng dalawang babae ang pintuan ng laboratoryo.
"Grabe naman ang tunog ng pintuang ito, parang sa horror movie." Sambit ni Steffy.
"Shhh. Wag kang maingay baka mahuli tayo." Mahinang sambit ni Kwetsy.
Hahakbang na sana papasok si Kwetsy nang buhatin siya ni Steffy.
"Wag kang umapak sa sahig para siguradong safe tayo."
"E anong gawin ko?"
"E lumutang."
BINABASA MO ANG
The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible Clans
AdventureRead the volume 1 to 3 first.