Chapter 14: Half-monster Mysterian

2.4K 102 96
                                    

Nagtatakang pinagmasdan ni Metsumi si Rynz na tila ba napaso nang tangkain niyang ilapit ang sarili sa lalaki. Makitang nilingon ni Rynz si Daniella agad siyang kunwari nanghihina at nahihirapang tumayo. Inalalayan naman siyang muli ni Rynz.

Napatingin si Rynz sa nanghihinang babae. Mas gusto niya ang babaeng ipinaparamdam sa kanya na kailangan siya nito hindi katulad ni Daniella na palaging ipinaparamdam sa kanya na wala siya sa posisyon niya ngayon, kundi siya fiance ng isang Haria. Kahit iyon naman talaga ang totoo, gusto pa ring isipin ni Rynz na kaya siya mas nakakaangat sa iba dahil sa talento, kagwapuhan at galing niya. Hindi dahil sa kanyang pagiging isang Jumei.

Ngunit hindi niya gusto na pinagmumukha siyang tanga ng kung sino man. At ayaw na ayaw niyang nalalamangan. Harap-harapan man niyang ipinapahiya si Daniella ngunit dinadaan niya iyon sa kunwari pagiging magtatanggol ng mga inaapi ng prinsesa kaya nga mas umangat ang tingin ng mga babae sa kanya. Nag-aala-hero kasi siya sa ibang mga babae ngunit hindi sa sarili niyang fiancee.

Napatigil sa pagmumuni-muni si Rynz makitang naglakad palapit sa kanilang kinaroroonan si Daniella.

"Anong balak mong gawin? Kahit isa ka pang Haria, Haria ka lang, hindi pa rin ikaw ang prinsesa kaya hindi mo dapat sinisira ang reputasyon mo." Sabi ni Rynz. Isa sa mga panakot niya kay Daniella ay ang pagiging Haria nito at hindi pa ganap na prinsesa. Matatawag ngang prinsesa si Daniella ng ibang mga Chamnian na mas mababa pa sa kanya ngunit may mas mataas pa sa kanya at iyon ay ang tunay na prinsesa ng Vergellia.

"Isa nga akong Haria pero tandaan mo Haria ako. Jumei ka lang." Sagot ni Daniella. Tiningnan nito si Metsumi. Agad namang nagtago si Metsumi sa likuran ni Rynz na tila takot na takot.

"Dahil lang sa may kakayahan akong magpagaling ng sarili kong sugat ay pwede na akong saktan? At sino kayong pwedeng manakit sa isang Haria na katulad ko?" Malamig ang tingin na ibinigay ni Daniella sa dalawa. Itinaas ang kanang kamay. Ilang sandali pa'y nagsilapitan ang mga hidden guards niya.

"Dalhin sila sa piitan, dahil sa salang pananakit sa isang Haria." Utos niya sa mga kawal.

"Masusunod po kamahalan."

"Hindi kita hahayaang saktan si Metsumi." Sabi agad ni Rynz at iniharang ang katawan kay Metsumi.

Makikita naman ang takot sa mga mata ng babae ngunit may kakaibang tuwa ang sumilay saglit mula rito bago pa man mapalitan muli ng takot.

Hindi inaasahan ni Rynz na pati siya huhulihin din.

"Ano itong ginagawa niyo? Pakawalan niyo ako." Utos ni Rynz sa mga kawal, na ngayon ay nakagapos ng kadenang may kakayahang pigilan ang kapangyarihan ng sinuman. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa gawi ni Daniella.

Sa di kalayuan naman, makikita si Steffy na nakapikit.

"Steffy naman. Paano mo makikita ang ganda niyang damit kung nakapikit ka diyan?" Tanong ni Kwetsy.

Kumunot naman ang noo ni Steffy bago idinilat ang mga mata.

"Nakapagtataka. Halatang malakas ang kapangyarihan ng Metsumi na iyon, ngunit nagpapanggap siyang mahina, talunan at mahirap. Kadalasan kasi sa may mga katulad ng lakas ng enerhiya at kapangyarihan na tulad niya ay ang mga mula sa mga hindi ordinaryong angkan." Sambit pa ni Steffy.

Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang panlilisik ng mga mata ni Metsumi na nakatingin noon kay Daniella na agad din namang tinago at umaktong maamong babae sa harapan ni Rynz.

"Malay mo, tulad mo, nagpapanggap lang din." Sagot ni Kwetsy sabay lapit sa hawak na bestida sa harap ni Steffy. Napangiwi siya nang maiangat ang tingin dahil sa mukhang nakita.

The Journey of the Bratty Chosen Ones V-4: The Journey To The Invincible ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon