Masanay Ka Na

37 4 0
                                    

June 3, 2018

Halos sa lahat ng oras, bumabanat ka ng jokes para mapatawa ang mga kasama mo.
Para maipakitang masaya ka. Dyan ka nagtatago.

Pero pag ikaw na lang mag-isa, bakit ka umiiyak?
Nakakalunod ba?
Kaya mo pa bang umahon?

Kakayanin mo.
At sa bawat araw, kinakaya mo.
Dahil kung hindi, ano pang saysay ng lahat ng 'to?

"Hanggang kelan ako magiging ganito?" paulit-ulit mong tanong.

Naghihilom ka para masugatan uli.
At napapagod ka na.

Di mo alam kung saan hahanapin ang hinahanap mo, o kung ano ba ang hinahanap mo.

Pinapatay ng hangin ang apoy ng kandilang sinindihan mo.
May mapa ka pero di rin tiyak sa dapat puntahan.
Walang makaunawa.
Maging ikaw.

Luluha ngayon, ngingiti bukas.
Madadapa, babangon.
Ganyan talaga.
Masanay ka na.

UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon