Hindi Ko 'To Ginusto

10 1 0
                                    

Feb 17, 2024

Hindi ko 'to ginusto.

Sana malaman mo na lagi kong mas pipiliin manatili sa tabi mo. Sa yakap mo.

Hindi tayo palaging swerte.

Hindi ko masasabing sapat na yung panahong nagsama tayo.

Sana naramdaman mong mahal kita, at madudurog ako dahil dito.

Hindi 'to madali.

Hindi ko alam kung paano tayo napunta dito. Biglang kailangan ko na lang umalis.

Sana hindi maging balakid ang distansya.

Ipakita mong hindi ka mahahadlangan nito at mananatili ka sa kabila ng mga pagbabago. Kahit di mo na ako laging mahahawakan.

Sana alam mong masakit din 'to para sa'kin.

Pagod na akong sisihin ang sarili ko. Alam kong hindi lahat ay kasalanan at nasa kontrol ko.

Sana malaman mong kailangan natin 'to.

Baka nga kailangan din natin 'to para mas maging matibay o malaman kung totoo ba lahat ng 'to. Masyado ba tayong nagmadali?

Sa mga panahong wala tayo sa isa't-isa, sana matuto tayo at matauhan sa mga bagay-bagay na dapat nating maramdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon