Liham ng Isang Butas ang Pantalon

29 4 0
                                    

June 2, 2018

Binalikan ko yung lugar na pinuntahan natin. Walang nag-iba pero nanibago ako. Di na kita kasama.

Kung may nagawa ako, sana nagsalita ka. Kung may di ka nagustuhan, sana nagalit ka.

Andun tayo, nag-uusap, nagtatawanan. Maayos ang lahat. Tapos di na kita nakita uli. . . Di ka na nagpakita uli.

San ka na? Bakit bigla kang nawala?
Nasan ka man. Anuman ang dahilan.

Sana masaya ka.


* * *


June 16, 2018

Naalala mo pa? Malamang hindi na. Ewan pero mahalaga sa'kin yung maiksing pinagsamahan natin. Matagal na yun, di ba? Bakit parang kahapon lang? Sabi ko kakalimutan ko na lang. Andaling sabihin.

Napansin mo ba? Tinularan kita ng kulay.

Kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo kahit walang kasiguraduhang ganun din ako sa'yo.

Sige na, di ko na papahabain. Di mo rin naman babasahin.

Basta, sana masaya ka.

Basta, sana masaya ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


* * *

UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon