Sa Ibang Mundo, Sa Susunod na Panahon

43 2 0
                                    

Feb 8, 2024

Isang mabilis na pagtatagpo ng mga titig.
Sabay baling sa gilid para itago ang ngiti.

Sana mapagbigyan ng panahon.

Sumisilip sa bintana para matanaw, ngunit malabo.
Mabilis na tumatakbo para mahabol, pero malayo.

Nasa magkabilang dulo ng magkaibang mundo.

Nais sanang ipagsigawan ang damdamin.
Ngunit ang maaari lang ay bulong sa hangin.

Hanggang kailan magiging ganito?

Ilang araw pa lang pero parang matagal ka nang nandito.
Madalas na akong humihiling sa oras na huminto.

Para tayong pinaglalaruan ng tadhana.

Totohanan na ba 'to o katuwaan?
Sa huli ba, ako lang rin ay duguan?

Sabihin mo na, ngayon pa lang, para malaman ko.

Mahigpit na hawak sa aking kamay.
Para mapawi ang ilang araw na lumbay.

Sana palaging ganito. Sana dito na lang tayo.

Biglang hila sa kamay para humalik.
Yakap at sandal sa dibdib, sa isip laging bumabalik.

Mga titig at bulong, munting kasiyahan.

Tayo'y para sa isa't-isa, sa kwentong walang hadlang, tayo lang ang naroon.
Marahil hindi ngayon, baka sa ibang mundo, sa susunod na panahon.

UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon