Naroon Ka

29 3 0
                                    

May 28, 2018

Naroon ka, may langgaming imbitasyon
Ngiti at tingin mo'y diksyonaryo
At siya'y nagpatihulog, uhaw sa kahulugan

Nag-aakalang may kababagsakan
Naroon ka nang ilang saglit
Nakatingala, tila'y nag-aabang
Panatag siya sa kabila ng pagbagsak
Dahil alam niyang naroon ka
Paglapit niya sa lapag, bigla kang lumisan
Tinawag ka niya, likuran mo ang iniharap

Nakita mo ba ang madugo niyang paglapag?
Lumapit ka ba para ibangon siya?
Di ka nakinig, di ka rin nagsalita
Di ka lumingon, di ka na nagparamdam
Naroon ka, nakatalikod, patuloy sa paglakad

Naroon ka, palayo nang palayo nang palayo . . .


UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon