Magsindi ng pundidong ilaw. Itago ang dilim habang nananatili sa yakap nito.
Masigla at masaya pero madilim.
Malalim. Mabigat.
Sa lahat ng maliwanag na lugar, laging matatagpuan ang dilim sa mga sulok nito.
Isarado ang pinto at mga bintana.
Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit mas pinili ng ibang manatili sa dilim.
Tahimik.
Walang ingay, walang makita at makakakita.
Ganito pala kapag paulit-ulit kang ginago ng tadhana.
Titirahin ka sa kung ano ang pinakamahalaga para sa'yo.
Ngumiti ka lang saglit at magsalita rin para di magmukhang bastos.
Tapos pwede ka nang manahimik buong araw. Pwede ka nang magpakalunod uli.
Gusto kong sumigaw. Magsira ng mga gamit. Manakit o saktan ang sarili hanggang sa maging manhid.
Pero ngumiti lang ako.
Burahin ang mga sulat sa pader. Alisin ang mga bakas ng yapak. Manatili sa dilim.
Pumunta sa lugar kung saan lahat ay bago. Iwanan ang lahat. Kalimutan ang mga galos. Sunugin ang damit na namantsahan ng sariling dugo.
Makakalimutan mo rin lahat. Tatawanan mo na lang 'to sa susunod.
Alam ko.
Pero mahirap habang dinaranas mo pa. Habang ramdam na ramdam mo pa lahat ng sakit at panghihinayang.
Iningatan, pinangalagaan, pinahalagahan. Naging kasiyahan at pinagtuunan ng lahat ng oras at lakas.
Para lang makita mong madurog. Mapulbos at maglaho sa ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Unsent
PoetrySalitang hindi nabigkas. Mensaheng hindi nakarating. Damdaming hindi napakita.