Panlabas

32 4 0
                                    

June 23, 2023

Pagod ka na?
"Hindi. Matibay 'to."
(Sobra. Gusto ko nang bitawan lahat.)

Kaya pa?
"Naman. Ako pa ba?"
(Hindi na. Tulong.)

Masaya ka naman ba?
"Oo, kasi kontento ako sa meron ako."
(Di ko alam. Madalas wala akong nararamdaman. Walang lungkot, walang saya. Humihinga na lang ako.)

San tayo?
"Ikaw bahala, kahit saan hahaha."
(Tangayin na lang ako ng hangin. Gusto ko na maglaho minsan.)

* * *

UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon