Sige Lang

28 4 0
                                    

September 24, 2018

Itawag nyo na lahat ng nakakatawang palayaw.
Sasakay sya dahil nasanay na syang maging katatawanan.

Saktan nyo lang sya tulad ng lagi nyong ginagawa.
Husgahan nyo sya, pag-isipan ng masama, ituring na marumi at makasalanan.
Kalimutan nyo na lahat ng panahong nakasama nyo sya.
Wag nyo na syang kamustahin.
Kunyare walang nangyari.
Dahil di sya matuwid.

Paglaruan nyo lang sya.
Pasayahin, paasahin, tapos iwanan.
Tapos sabihan nyo pa sya ng masasakit na salita tungkol sa pagkatao nyang nakakawalang gana.
Iparamdam nyo sa kanya na wala kayong tiwala.
Sabihan nyo sya na walang alam at kakayanan.

Wag nyo syang suportahan.
Di naman sya mahalaga na tulad ng pera.
Tama lang sa kanya yan.

At kung may maisip ka pang gawin na sa tingin mong ikakasira ng loob nya, sige lang.

UnsentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon