September 9, 2018
Para: Sa'yo na Nagsabing Pamilya Tayo
Mula: Sa'kin at sa mga Tanong sa Isipan KoNaalala mo yung mga panahong magkasama tayo?
Hirap at ginhawa, tama ba?
Naniwala ako sa lahat ng magandang sinabi at pinakita mo.
Sabi mo, higit pa tayo sa pamilya.
Medyo matagal din ang pinagsamahan natin.
Nakilala mo ako, nakilala kita, at tinanggap natin ang isa't-isa sa kahinaan at kalakasan.Gusto kitang makasama, manatiling kaibigan/pamilya mo.
Tila kailangan ko pang magpasa ng sandamakmak na dokumento para magawa yun.
Kase andami mong batayan at ayoko nang makipagtalastasan.
Minsan ba pumasok sa isip mo na pwede ka ring magkamali?
Lagi ka kasing tama kaya wala ka nang pinapakinggan.Ako 'tong madumi, aminado ako.
Hindi ko maramdamang tanggap mo ako.
Kaya ako umalis.
Tapos di ka man lang nagtanong kung bakit.
Para bang wala lang sa'yo na nawala na ako.
Ganito ba ang pagiging 'pamilya/kaibigan' na sinabi mo?
Pasensya na.
Di ko maabot yung batayan ng pananatili sa tabi mo.
Eto lang ako e.
BINABASA MO ANG
Unsent
PoetrySalitang hindi nabigkas. Mensaheng hindi nakarating. Damdaming hindi napakita.