Chapter 15
Natapos ang araw na hindi nagparamdam sa akin si Aqui nasa fishbolan kami ngayon nila Yesha, Brent at iba pa naming mga kaklase uwian na kaya nagyaya ang mga kaklase kung kumain, street food lang kami dahil hindi kami magtatagal
"Brent libre mo ako ng kikiam tsaka kwek-kwek"
"Ikaw naman kaya manglibre sakin, araw-araw nalang ah" reklamo nito pero kumuha naman na ng kikiam at kwek-kwek sa ibang baso
"Ma-anghang ha" utos ko ulit na sinunod niya naman naka busangot ito habang nag sasalin mg sauce
"Sa susunod Brent ililibre kita, nag short lang nga yun"
Nakabusangot parin ito habang binibigay sa kin ang dalawang basong may lamang kikiam at kwek-kwek "nag short, eh nakapalda ka"
Binatukan ko ito dahil sa inaasta
"Sa susunod nga, ilebre kitang sanggyup, kambing ka" tinalikuran ko ito at lumapit sa mga kaklase kung nagsisikain na sa isang lamesa
"Talaga! Siguraduhin mo, tayong dalawa lang ba?" Tanong nito na hindi ko pinansin
"Bukas ha, pag-uwi na pag-uwi natin"
"Oo na, tumahimik ka na ang ingay ko" sabi ko at inirapan ito
"San kayo?" Tanong ni Yesha ng makalapit kami
"Sanggyup" sabi ko kaya napa "O" ang bibig nito
Tatanungin ko sana siya kung sasama siya pero naunang magsalita si Brent na nasa likod ko "Wag kang sasama" liningon ko ito at sinamaan ng tingin bumaling ako kay Yesha at nakitang masama rin ang tingin nito kay Brent
"Gusto ko sanang inisin ka, pero may lakad rin naman ako kaya, no thanks Cath" mataray na sabi nito at parang na basa pa yata ang iniisip ko
"Bakit san lakad mo?" Nagtatakang tanong ni Brent
"Paki mong loko ka"
"Sige ha pag si tita tumawag, sasabihin kung naglalakwatiya ka" nagbabantang sabi ni Brent
"Tinatawagan ka ni mama?"
Ngumiting aso si Brent "Bakit takot ka?"
Nanlilisik na mata ang isinukli ni Yesha bago ito tumayo sa kaniyang inuupuan, ngumiti ito ng nakakaluka at parang nangbabanta kaya gumilid na ako "Anong mga pinagsasabi mo?"
Tiningnan mo na siya ni Brent na walang emosyon bago nagsalita "Wala, sinasabi ko lang kung saan ka madalas magpunta"
Agad na napangisi si Brent ng makita ang gulat ni Yesha na agad rin namang napalitan ng inis at galit, padabog na binagsak ni Yesha ang kaniyang pagkain sa lamesa kaya nagulat ang mga nandoon pati na rin si Brent na takot na takot na nakatingin kay Yesha
"Do.You.Have.A.Death.Wish!!!" Sigaw nito sa huling sinabi kaya humalak hak nalang ako sa gilid ng magtatakbo si Brent, hinabol naman ito ni Yesha umiling-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain bugbog sirado siguro bukas si Brent.
"Cath, may naghahanap sayo" naglalakad patungo kong sabi ng kaibigan kong babae
"Sino?" Nagtataka kong tanong
"Daddy mo yata"
Agad nagbago ang aking ekspresyon, galing sa pagtataka ay napangiti ako, akala ko hindi ko siya makikita ngayon pero mukhang siniswerte ako ngayon, agad akong tumakbo papuntang gate ng aming university

YOU ARE READING
Show Yourself To Me
RomanceHe is my imagination, My dream to be exact. He's perfect, kind eyes, hair that shines under the sunlight, kind and gorgeously handsome and I am here in my my bedroom dreaming of him and waking up with out him. 3 years of my life and he become a cycl...