Chapter 1

1.2K 22 0
                                    

Elora

"Nak, gising na" Sa kalagitnaan ng tulog ko, nakaramdam ako ng tapik at alam ko na agad na si Manang Cora ito. Sya ay ang mayor doma namin dito sa bahay at sya na rin ang tumatayong nanay-nanayan namin.

Sya rin ang pinaka kaclose ko rito sa bahay. Hindi naman sobrang close basta sya lang yung nakakausap ko most of the time kase wala talaga akong planong kumausap nang kahit na sino dito sa bahay na ito. Tatlo lang kaming nakatira rito sa bahay pero may nga iba pang maids at security. May sarili silang lugar outside. Pinaseperate talaga sila kase ayaw ko masyado ng madaming tao. Tsaka lang sila napunta sa bahay pag maglinis, magluto at lumabas para mamili.

Tatatlo na nga lang kami pero mas marami pa ang guards sa amin. Hinire sila ni dad para di raw ako makatakas at para safe daw kami dahil maraming nagtatangka sa business ng pamilya ko at sa business ng family nya. Kahit gusto kong tumakas eh mahahanap at mahahanap nya rin ako kaya eventually napagod na ako and inaccept ko nalang na dito na ako mabubulok.

"Unang araw ng pasukan kaya dapat maaga ka, bangon kana anak." Wala akong magawa kundi bumangon at piliting tumayo dahil alam kong hindi rin naman titigil si manang pag di ako gumising.

Napaupo ako sa gilid ng kama at tinanguan nalang si manang. Sumulyap din ako sa orasan at nakitang 5:15 na ng umaga kaya kahit 7 pa ang pasok ko, hangga't maaari ay gusto kong maaga akong makapasok lalo na't first day of school ko ngayon sa bagong university. Sumulyap din ako sa bintana at nakitang madilim pa nga sa labas.

Pagkalabas ni manang ay nag ayos na agad ako at naligo. After a quick shower ay nagtuyo ako ng buhok at nag ayos ng konti. I look decent naman kaya di ko na masyadong ginagalaw ang muka ko. Marami rin kase ang nagcocompliment sa akin na ang ganda ko raw at may kamuka raw akong artista pero binabalewala ko lang, I don't see it kase eh.

Nag eye brow gel lang ako at konting blush and lipstick and I'm done. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin at nung nasatisfied na ako ay
bumaba na ako papuntang dining area para magbreakfast.

Pababa palang ako ng hagdan nang napatingin ako sa kwarto sa may hallway sa gawing kanan. Ang dami kasing bedrooms dito sa 2nd floor at ang akin ay yung nasa tapat ng hagdan kase yon ang pinili ko kase pangalwa yun sa pinakamalaki.

Ayaw ko naman nang sobrang laking kwarto, kaya yon ang napili ko.

"Naka alis na siguro sya" mahinang bulong ko sa sarili nung napansing nakasara ang pintuan sa kwartong iyon at nagderetso na patungong kusina.

Umupo na ako sa barstool sa counter area para doon kumain, ayaw ko kasing kumaing magisa sa dining table.

Ang laki laki pa naman nito pero di naman nagagamit.

Ang daming nakahain dito kaya sa tingin palang ay busog ka na. I chose to eat the pancake kase isa rin ito sa favorite food ko.

Nagsimula na akong kumain nang makita ko si manang na papuntang kusina kaya kahit nagaalinlangan ako ay tinanong ko sya "Manang, nakaalis na po ba si-"

"Sino anak?"nagtatakang sagot nito

"Si ano po" Ewan ko ba pero diko masabi ang pangalan nya sa harap ng ibang tao, nakakailang kase.

"Ah, ang asawa mo?" Sa sinabing iyan ni manang ay halos mabulunan na ako sa iniinom na tubig.

"Ah, ehem" naubo pa ako sa sinabi ni manang.

"Ye-yes po, did she leave na po?" dagdag ko.

"Kanina pa nak, maaga at may meeting siguro. Ay sya kumain kana dyan at mag si-six ten na, baka malate ka pa"

Tumango nalang ako bilang sagot.

-----------

Nang matapos kumain, nagpaalam na ako kay manang at nag deretso na sa sasakyan. Maalam naman ako magdrive pero ayaw nila akong pag drive-in, wala daw silang tiwala sa akin eh kaya I have my own driver, di ko lang alam kung sina dad ba ang naghire nito o sya.

Be My Forever, ProfessorWhere stories live. Discover now