[Ten]

22 33 21
                                    


I'm at the cafeteria right now with Monique, waiting for Eunice, Clyd and Luke.

Open campus kasi ngayon, dahil season na naman ng new graduates, and everyone is welcome inside para makapag-tour at makasilip sa curriculum ng school. Open campus din ang university nila Clyd pero pinili nilang sila na lang ang pupunta rito dahil marami kaming kailangang tapusin ni Monique.

Eunice is getting better, but I know she misses Ace. Konti na lang din naman at makakabalik na rin si Ace. Pero dahil sa mga nangyari, hindi namin siya makakasabay sa pag-graduate.

He needs to retake a year of his course to graduate. Marami rin kasi siyang namiss.

"Ayon sila oh!" Rinig naming sigaw ni Eunice, kaya naman napalingon kaming pareho ni Monique.

Himala yata at masigla 'to ngayon ah. 'Di siya gan'yan ka-hyper madalas.

Kinawayan lang namin sila at hinintay makarating sa p'westo namin. Clyd went straight to Monique at hinalikan ito. Same as Luke, but he kissed me on my forehead. Again.

Nakita naman niya sigurong napasimangot ako ng kaunti, kaya natawa siya at inagat ng bahagya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. Wala na rin akong angal at napangiti na lang rin.

He knows me really well. Natawa na lang din ako sa sarili ko, hindi naman sa ayaw ko ng sa noo ako hinahalikan, minsan lang kasi gusto kong makita ng iba na akin na 'tong lalaking 'to.

"Tama na PDA. Maawa naman kayo sa'kin." Birong sabi ni Eunice na tinawanan na lang namin.

Nasa pagitan namin siya ni Monique kaya naman kahit hindi pag-usapan ay sabay naming hinalikan sa pisngi si Eunice na para bang magkarugtong 'yong utak namin.

"Wag ka na magtampo." Nginitian namin siya ni Monique, kahit kita naman sa mukha ni Eunice na okay siya.

"It was just a joke, I'm okay. Isa pa, lalabas na si Ace. Kayo naman ang maiinggit. Alam n'yo naman." Sabay kindat pa ni Eunice.

Oo alam na namin kung ano'ng tinutukoy niya. Their sex life is always better than anyone else in this table. Hindi rin naman big deal sa amin ni Monique 'yon, at wala naman din problema ang sex life namin, or should I say ni Monique.

Luke moves super slow, seriously. It's as if he's calculating every move he's making around me. Kahit ilang taon na kami magkarelas'yon, he never initiates anything too intimate.

Hindi naman sa naiinip ako, iba lang kasi siya sa past girlfriends niya. Alam ko namang may experience na siya no.

"In a few months, birthday mo na Grace. Saan tayo?" excited na tanong ni Eunice. Alam kong by that time nakalabas na si Ace kaya masaya 'to.

"Dito lang, ayaw n'yo ba? Wag na tayo lumayo, dikit ang birthday ko sa graduation natin."

"That's fine, we could still make a perfect celebration, at least kasama pa sila Kuya Leon." Dagdag naman ni Luke.

"Exactly, tsaka basta naman kasama ko kayo masaya ako."

"Sweet mo naman, pero ang totoo si Luke lang naman ang gusto mong kasama." Pang-aasar pa ni Monique

Natawa na lang ako, kasi alam naman nilang mas masaya ako kapag kumpleto kami. Hindi na rin naman kasi kami naghiwa-hiwalay ng matagal simula no'ng pumasok kami ng college.

I just hope this one goes smoothly, wala nang mga mangyayaring kagaya no'ng high school. I've moved on from that, pero hindi naman maiwasang maalala minsan.

"By the way, Chase will be here sa birthday ko ha?" I simply informed them, pero para talaga 'yon sa kaalaman ni Luke.

"Sure, I've missed hanging out with him." Sagot ni Monique, na inayunan din naman ni Clyd at Eunice.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon