[Five]

31 32 21
                                    


Another day started.

Ilang linggo na rin akong nandito sa Zambales. Kasama ko pa rin si Chase. Ilang beses na ngang nangungulit 'yong dalawa na mag girl's week naman daw kami ulit kasi simula no'ng umalis ako hindi na talaga nila ako naramdaman.

Hindi ko alam, pero 'di ko na rin mas'yadong naiisip 'yong sakit at kung ano 'yong pinaramdam sa'kin ni Luke no'ng huling nagkita at nag-kausap kami. Hindi ko alam kung dahil ba naka-move on na ko o dahil lang sa may kasama ako at nalilibang kaya hindi ko na gaanong naiisip 'yong mga bagay na 'yon.

Mahirap malayo sa mga taong nasanay kang nasa tabi mo na simula pa no'ng una. Pero mas mahirap siguro na makaharap ko sila tapos halos puro sakit lang din 'yong nararamdaman ko dahil naka focus 'yong utak ko sa iisang tao lang.

"Grace!"

Halos mapa-bangon naman ako sa gulat nang sumigaw 'tong kasama kong 'to. Nandito kami ngayon sa may pool at naglilibang. Pareho kaming nakahiga sa tapat ng pool dahil hapon naman na at hindi na gano'n kainit ang sikat ng araw.

"Bakit ang hilig mong sumigaw?"

"Kanina pa kasi kita kinakausap, mukhang hindi ka naman nakikinig. Ano bang problema mo?"

"Wala naman. Napapaisip lang ako kasi 'yong mga kaibigan ko, nangungulit na magkita kita na kami kasi nga matagal na akong nawala."

"Ayaw mo ba?"

"Gusto syempre, miss ko na rin e. Kaso natatakot pa rin ako."

"Na ano? Na masaktan ka ulit?"

"Oo? Hindi ko alam."

"Hindi naman siguro lahat sila mananakit sa'yo 'di ba? Oo, mayroong isa o dalawang nakapapanakit sa'yo, pero alam mo sa sarili mo na hindi lahat ng taong kakilala mo, sinasaktan ka."

Aminin ko man o sa hindi, tama pa rin siya. Siguro mas'yado lang akong nasaktan do'n sa nangyari, pero kasalanan ko naman na umasa ako.

Kapag nagkita kita kami, hindi naman na siguro 'to tulad no'ng dati na masakit pa rin. Takot akong masaktan ulit, pero pakiramdam ko, kaya ko naman na silang harapin. Kaya ko na siyang harapin.

"Pahiram ng phone? P'wede?" Sabi ko kay Chase habang nakatingin sa kan'ya.

"Sure. Alam ko namang pulubi ka." Sabay tumawa naman siya.

Isa rin 'tong mapang-asar e. Sana no'ng una pa lang nahalata ko na no? Bakit nga ba ang hilig kong magkaroon ng kaibigan na mapang-asar?

"Hello Monique?" I said as she answered the call

"Hello Grace?"

"Hmm."

"Is that you? Really you?"

"Yeah. I miss you."

"Me too. Kailan ka ba magpapakita ulit?"

"I'm in Zambales right now. If you want you and Eunice could go here. Let's have a girls' week."

"Oh my gosh. Sure! Sama ko sila ate?"

"Wag na muna. Girls' week muna."

We continued talking about stuffs. Kung ano'ng nangyari sa kanila sa ilang linggong wala ako. Kung ano'ng pakiramdam ko nang malayo sa mga taong malapit sa'kin.

We talked about me, about Luke, about her and anyone I know and I care about. Hindi nawala 'yong pagkakataon na napag-usapan namin si Clyd na ganito gan'yan.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon