[Four]

34 32 37
                                    


I really do thank God for making Luke a part of my life. I am really happy that he is my best friend. Naalala ko pa nga no'ng mga panahong akala ko wala nang magandang mangyayari sa buhay ko, na pakiramdam ko I don't deserve a life like that and those downfalls leads me to blaming God. Bakit niya ba 'ko pinahirapan kung ang ginawa ko lang naman ay maging mabuting anak?

When I'm currently in that state of doubting God's love and blaming Him, Luke showed up and stayed by my side all the time, but life is truly full of unpredictable events.

"Anong movie na ba tayo Leon?" Tanong ni ate

"'Di ko rin alam, pero pangatlo na 'yan alam ko e." Sagot ni kuya

"Grace ikaw na pumili ng kasunod." Utos sa akin ni ate

Nag-select ako ng kasunod na movie at bumalik sa p'westo ko. Magkatabi si ate at kuya sa kabilang sofa habang kami naman ni Luke ay magkasama rin sa isang sofa, ang pinagkaiba lang e nakaunan si Luke sa lap ko.

Sarap buhay 'tong loko na 'to ah?

*Phone beeps*

Chineck ko naman agad 'yong phone na galing ulit sa kan'ya kasi nga nabasa 'yong unang kabibigay lang din niya. Kagaya ng unang phone na galing sa kan'ya, gano'n din 'yong design at ang nakasave na number e 'yong kan'ya lang. Bawal magdagdag.

[Ang boring ng pinanonood, mas gugustuhin ko pang panoorin ka na lang habang tulog.]

Kahit hindi ko narinig 'yong pagsabi sa'kin ni Luke ng mga salitang 'yan, halatang halata naman sa kan'ya na sobrang naiinip na siya.

'Di ko na siya pinansin kasi nagagandahan ako do'n sa movie na pinanonood namin. Nando'n kasi si Britt Robertson. Crush ko kaya 'to.

Naramdaman ko naman na sunod-sunod na 'yong pag beep ng phone ko kaya kinuha ko 'yon ulit at binasa 'yong mga sinisend niya sa'kin.

[You know what? I usually don't get attached too easily, but that changed when I met you.]

[You have this incredible way of making my heart happy. So when you need someone to be there for you, I'll be right there by your side always!]

Napapangiti niya 'ko sa mga simpleng gan'yan niya lang, paano pa kaya 'yong makuha ko kung ano 'yong matagal nang hinihiling ng puso ko?

[You have no idea the amount of happiness you brought into my life.]

[I love you, As I have never loved another or ever will again, I love you with all that I am, and all that I will ever be.]

Aminin ko man o hindi, nawala ako sa focus sa panonood at nang dahil sa mga sinabi niya, bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa sarili niyang paraan.

Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko at para bang lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa mukha ko ng dahil sa mga sinasabi niya.

[I love you best friend. Nagtext nga pala si Clyd. Punta raw tayo kila Monique. Sleepover. Paalam ka na?]

Sa puntong 'yon nireplyan ko na siya kasi nawala na rin naman 'yong focus ko sa pagnuod kaya mas mabuti na rin siguro na wag ko siyang dedmahin.

[Aba? E bakit ako 'yong magpapaalam? Ikaw na.]

Ang buong akala ko ay aapila pa siya, pero bigla na lang siyang bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo 'tsaka humarang sa may harap ng pinanonood namin.

"Ate? Kuya? May sleepover kami ni Ciella kila Monique. Punta kami ha?" Halata sa mukha nila ate ang pagkagulat, pero mas nakakagulat 'yong hindi pa nakaka-sagot sila ate e para bang pinayagan na kami kasi bigla na lang din niya akong hinila paakyat.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon