[Two]

37 34 30
                                    


"Good Morning!" Bati ko sa lahat, the moment I got down the stairs.

"Mukhang maganda yata gising mo ha?" Mapang-asar na tanong sa'kin ni ate.

"Good morning Ciella!" Luke said while smiling at me.

"Ciella?" Nagtatakang tanong naman ni kuya Leon.

Hindi ko na lang siya pinansin at binati na lang ulit si Luke.

"So, may tawagan na kayo ngayon?" Pang-aasar ulit ni ate.

"Ate George, engot nga 'yang si Ciella, 'di niya alam na siya 'yon."

"Sino kayang may kasalanan? Sanay akong Grace ang tawag n'yo sa'kin." Nakasimangot na sabi ko naman.

"O siya, tama na 'yan. Kumain na muna kayo 'tsaka kayo gumayak dahil may pupuntahan pa tayo." Awat naman sa'min ni ate.

Kumain naman kami ng sabay ni Luke dahil sabay na natapos sina ate at kuya Leon. Mapang-iwan no?

Wala naman nang pagdadaldal na naganap sa pagitan namin ni Luke dahil pareho kaming nagmamadali kasi wala kaming kaalam-alam kung saan ba talaga kami pupunta.

Matapos naming kumain, dumiretso na ako sa k'warto ko para mag-ayos. Siya naman ay sa guest room pumunta.

P'wedeng-p'wede naman silang matulog dito, p'wede nga na rito na rin sila tumira ni kuya Leon kung gugustuhin e. Hindi namin sinasamantala ni ate na wala rito sina mama, actually alam nga ni mama lahat ng nangyayari rito habang wala siya. Ang maganda lang e, may tiwala si mama sa'min pati na rin ang mama nila kuya Leon sa kanila.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako, nag-ayos at muling humarap sa salamin bago tuluyang bumaba.

"Single na siya." 'Yan lang ang nasabi ko sa aking sarili at tuluyang bumaba.

"Ganda mo rin pala?" Seryosong sabi ni Luke

Hindi ko siya kinibo at diretsong umupo sa sofa. Wala pa sina ate, baka nasa taas pa.

Simpleng jeans at plain black shirt lang ang suot ko kaya bakit niya ako masasabihang maganda ng dahil lang do'n? Mapang-trip lang talaga 'to.

"Ang simple pala ng ganda mo 'no?" Sabi na naman ulit niya.

"Tigilan mo nga ako." 'Di ko man aminin, pero alam ko sa sarili kong simpleng kinikilig na 'ko ng dahil sa sinabi niya.

"Sus! Kinilig ka na naman." Mapang-asar na sabi niya.

Ayaw ko ng ganito siya e. Ang awkward kaya, kahit na ba sabihin pa nating sanay ako sa presensiya niya e, hindi pa rin ako sanay na gan'yan ang asta niya.

Nanatili akong tahimik kahit na patuloy siya sa pagdaldal sa'kin at pagsabi ng kung ano-ano. Hindi ko na lang gaanong pinapansin dahil alam ko sa sarili kong trip lang akong asarin nito.

"Oh? Bakit ang tahimik niyan? Magkaaway na naman ba kayo?" Tanong ni kuya Leon kay Luke habang pababa siya ng hagdan.

"Sus LQ na naman?" Sunod na sabi ni ate na siya ring pababa ng hagdan.

"Ewan ko ba diyan sa babaeng 'yan. Sinabihan na nga ng maganda nagtataray pa." Nakita ko sa expression niya na naiinis na siya so hindi ko na lang lalo kinibo.

"Kinikilig lang 'yan. Tara na?" Dagdag pa ni ate.

Lahat kami sumang-ayon na umalis na. Lumabas ng bahay at sinigurong sarado ito bago tuluyang umalis. Gamit namin ang sasakyan nila kuya Leon. Si kuya ang nagda-drive, si ate sa passenger seat at magkatabi na naman kami ni Luke sa back seat, ano pa nga ba?

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon