[Six]

20 32 21
                                    


Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikibuan ni Luke. Hindi ko na kasi talaga siya maintindihan. Naiinis rin ako sa kan'ya dahil bakit ngayon siya gumagan'yan kung kailan naisip ko nang kalimutan kung anong nararamdaman ko para sa kan'ya? Kung kailan ba namang gusto ko nang maging masaya ng hindi siya ang dahilan 'tsaka siya nagpapakita ng gan'yan?

Lord, bakit ang gulo niya? Siya ba 'yong problema o sad'yang mahilig lang talaga akong magbigay ng ibig sabihin sa mga bagay na ginagawa at ipinapakita niya?

We are now heading to Clyd's province. Do'n na namin tatapusin ang bakas'yong mayroon kami before we enter college. Chase is driving my car habang ako nandito lang sa passenger seat at walang ginawa kung hindi mag-likot lang. Nililibang ko 'yong sarili ko para wala na 'kong maisip na kung ano-ano.

"Chase, I'm hungry." Seryosong sabi ko lang at hindi siya tinignan.

Sakto namang may p'wedeng paghintuan, so he pulled over. Maraming kainan, Jollibee, Mcdo, KFC, Chowking, Pizzahut, Greenwich at marami pa. I have a lot of choices but I don't know what to eat.

"Ano'ng gusto mong kainin?"

"'Di ko rin alam e. Pahiram muna phone." He handed me his phone so I grabbed it lightly from his hand and dialed Monique's number.

"Hello"

"Nikki! Kain tayo! Nagugutom ako e."

"Kaya pala huminto kayo, sige na. Sabihin mo kay Chase magpark na kayo." I ended the call at sinabi kay Chase na magpark na muna kaya 'yon ang ginawa niya.

Lumabas kaming dalawa ng kotse at sumandal lang do'n ng magkatabi habang hinihintay sila Monique na nagpapark na rin.

"Hintayin na lang muna natin sila Eunice."

"Pre bakit nga pala iniwan mo 'yong kotse mo sa Zambales?" Tanong ni Clyd kay Chase.

"'Di ko naman p'wedeng hayaang mag-drive mag-isa 'tong si Grace. 'Di n'yo lang alam praning 'yan, bigla biglang nababaliw baka mamaya maka-bangga pa." Natatawang sabi niya.

"Ang sama ng ugali mo Chase! Kaibigan ba talaga kita?" Inis na sabi ko. Napaka mapang-asar naman kasi talaga niya.

"P'wede naman namin siyang samahan. Hassle pa tuloy sa'yo nakakahiya." Sabi naman ni Monique.

"Sus wala 'yon. Para ko na rin kasing kapatid 'to. Ilang linggo na rin kaming magkasama, buwan na nga yata."

Hassle talaga sa kan'ya 'yan. Sa manila rin siya mag-aaral ng college e. Sabi naman niya okay lang sa kan'ya. Pero mas okay na rin siguro at least hindi ako loner kapag nag couple couple na 'tong mga kasama ko.

"Tara na! Gutom na rin ako!"

Naputol na lang ang pag-uusap namin ng biglang sumigaw si Eunice at patakbong lumapit sa amin. Nasa likuran naman niya si Ace at Luke na halatang seryoso ang pinag-uusapan.

Nang makarating na rin sila Ace kung nasaan kami, agad niyang inakbayan si Eunice.

"Kumpleto na. Ano gusto n'yong kainin?" Tanong ni Clyd.

Sa aming lahat, si Clyd na yata ang pinaka matured sa lahat ng bagay. Siya na rin yata 'yong tumatayong tatay o kuya ng barkadang mayroon kami.

"P'wedeng lahat?" Sabay namin sabi ni Eunice. Halatang gutom din at hindi alam kung ano'ng gustong kainin kaya sabay na rin kaming napatawa pati na rin si Monique na kanina e tahimik lang.

"Yaman n'yong dalawa ah?" Natatawa pa ring sabi ni Monique.

"Wala nga kaming pera e. Gutom lang talaga." Natatawang sabi ko.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon