[One]

60 38 41
                                    


The moment I got inside the airport, I felt my phone vibrating. I answered the call without checking who's calling. Wala na akong pakialam.

I can sense in his voice that he's about to cry or whatever.

"Do you love me?"

"Yes"

"Could you give me another chance?"

"Grace, bumaba ka na, may pasok pa." That's my elder sister, Georgette Trinidad. Isang taon lang naman ang tanda niya sa'kin at siya na rin halos ang nanay ko, wala kasi si Mama, nasa US na kasama 'yong dalawa ko pang kapatid.

Hindi na ako sumagot at kaagad na lang na naligo, nagbihis, at bumaba para kumain. Si ate ay isang maganda, matalino at talented na babae, famous pa. Kilala ako sa school hindi dahil sa sarili kong ginawa kung hindi dahil sikat siya. Minsan nga naiisip ko pang sana ako na lang siya.

"Kumain ka na, baka ma-late ka pa, huling araw na nga ng klase."

"Ikaw ba kumain ka na?"

"Oo, tapos na." Madalas kaming ganito, gigisingin niya 'ko kung kailan aalis na siya. Halos hindi na rin kami nag-aabot sa gabi, dahil uuwi siya kung kailan nasa k'warto na ako at marami nang ginagawa.

*doorbell rings*

"Oh, baka si Leon na 'yan." Binuksan ko na ang pinto bago ako dumiretso sa kusina para kumain.

"Good morning Grace." And that's Leon Ferrer. 3 years na sila ni Ate at ang nakakatuwa d'yan e, ang tatag nila. Sana sila na ang destiny. Kinikilig na naman ako sa sarili kong naiisip.

"Good morning din kuya Leon. Nasa taas pa si ate e, kain muna tayo." Inaya ko siya at sabay na kaming pumunta ng kusina.

Saglit kaming nagk'wentuhan habang ako ay nag-aagahan. Tapos na raw kasi siyang kumain at sinusundo lang niya si ate.

Sa totoo lang, close naman kami e, 'yon nga lang kapag weekdays hindi kami gaanong nakakapag-usap dahil na rin sa pare-pareho kaming busy sa school. Ngayong huling araw na ng klase, siguro naman ay may panahon na kami para mag-bonding ulit. Nakakamiss din kasi 'yong mga kakulitan namin.

"Grace, sabi nga pala ni Luke dadaan daw siya rito, sabay na raw kayong pumasok."

"Ha? Bakit daw? 'Di ba sila sabay ni Deanne?" Sobrang takang-taka ako, kasi simula no'ng nagkaroon ng girlfriend 'yan, 'di na kami nagkakasama.

"Ewan ko do'n, ang bagal kasi kumilos e, iniwan ko na lang."

"Sus, pareho talaga 'yang dalawang 'yan. Tignan mo nga 'yang si Grace, hanggang ngayon hindi pa tapos kumain." Pataray na sabi ni Ate, alam ko namang nagbibiro lang siya kaya napatawa na lang ako ng bahagya.

"Sige na ate, mauna na kayo. Moment namin 'yon baka masira kapag kasama pa kayo." Natatawa na lang din ako sa iniisip ko e.

"Oo nga naman George, mauna na tayo."

"Isa ka pa, siguraduhin mong aayos 'yang kapatid mo sa kapatid ko ha."

Nakakatuwa silang tignan, parang mga batang nag-aaway. Pero kahit gano'n, masaya akong kahit malayo sina mama, nandito pa rin si ate. Kahit naman kasi minsan naiinggit ako sa kan'ya, masaya 'kong naging ate ko siya.

"Oh siya, mauna na kami, at tigilan mong umasa ha? Baka mamaya iyak ka na naman diyan." Lagi na lang akong may warning na nakukuha kapag usapang Luke na.

Lumabas na sila ate at tuluyang umalis ng bahay. Ipinagpatuloy ko nang kumain at nang matapos ay nag-ligpit. Anong oras na ba kasi? Ang tagal naman ni Luke? Mamaya ma-late nga kami. Tsk.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon