[Seven]

20 31 19
                                    


"Welcome back mga kapatid!" Masiglang salubong sa amin ni Kuya Leon na katabi ni Ate George na walang ibang sinabi kung hindi ang ngitian kami.

We are all here in our house, pati sila Monique. Ilang araw rin kasi silang nawala, while I am gone for almost 2 months. Matagal ding pag-iisip ang ginawa ko, mahabang proseso ang hinarap ko but in the end ito na naman ako. I let my guard down again, I just hope that this time, it is worth a shot.

We are having a small party now dahil kababalik nga lang namin, and Devonne is no longer here. Umuwi na rin daw siya kaagad sa kanila no'ng nalaman niyang umalis ako after no'ng graduation namin.

Simpleng handaan lang naman 'to at ngayon ay napagkasunduan nilang dito sila matutulog.

Well, okay lang naman kasi may vacant room pa naman para sa mga lalaki at do'n kaming mga babae sa k'warto ko, but they insisted na lahat na lang daw kami ay sa k'warto ko, parang slumber party na rin daw naming magkakabarkada dahil ang huling pagsasama namin ng gano'n ay no'ng mga first year pa yata kami.

Now that we're all back in Manila, ngayon na ang huling araw ng masasayang araw namin because starting tomorrow, we'll be applying for college. Mag-rereview at mag-eexam. Mahaba-habang proseso na naman para makapasok ng college.

"Tangina, sandali. Talo na naman."

"Wala, mahina ka talaga Clyd."

"Gago, madaya ka kasi e. Ayaw ko na."

Natawa na lang kami nila Monique ng marinig naming nag-aaway na naman 'yong tatlo dahil sa xbox na kanilang nilalaro. Wala akong alam dito, sila ate lang kasi ang madalas maglaro nito kaya 'di ako pamilyar kung paano gamitin 'to.

Para silang mga batang ayaw magpatalo sa isa't isa at nag-aaway na akala mo hindi kayang idaan sa usapan ang pinag-awayan kaya ngayon ay nagrarambulan.

"Para kayong mga bata." Natatawang sabi ni Eunice kasabay ng paglapit nila ni Monique do'n sa tatlo para puma-gitna.

"Mag-sama kayong dalawa. Mga gago." Inis na sabi ni Luke kila Clyd habang hawak ang kan'yang labi at papalapit sa akin. Nasapak yata siya.

Bahagya na lang akong natawa sa itsura niya no'ng nakalapit na siya sa akin, para siyang batang nagsusumbong sa akin dahil may nang-away sa kan'ya. Lumaki naman ang mata niya ng nakita niyang natatawa ako kaya naman hindi ko na napigilan at natawa na ako ng tuluyan.

"Sorry, sorry" may pagpipigil sa tawa kong sabi "'Di ko naman sinasad'yang tumawa, kaso nakakatawa ka talaga." At tuloy akong tumawa habang inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa labi niya.

"'Yan kasi, ugali n'yong tatlo e." Patuloy kong hinawakan 'yong labi niyang may sugat, mukhang nakagat niya no'ng nasapak siya "Hindi ba kasi kayo p'wedeng mag-usap na lang kapag gan'yan? Lagi kayong nagsasapakan." Sabi ko habang pinupunasan 'yong dugo sa may labi niya.

"Hindi naman kami nagtataniman ng sama ng loob kaya okay lang." Pangangatwiran niyang sagot sa akin.

"Kahit na ba, tignan mo nga 'yong dalawa, napuruhan yata." Pagpapaliwanag ko sa kan'ya habang nakatanaw sa kanila.

Monique and I are doing the same, but Eunice seems quite uneasy. Ano kayang sinasabi sa kan'ya ni Ace? Parang lagi na lang silang gan'yan at laging may hindi pagkakaunawaan.

"Hey?"

"Hmm?"

"Bigla ka na lang natulala, bakit?" Siya naman ngayon ang lumingon kila Eunice at mukhang napansin din niyang may problema 'yong dalawa.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon