[Eight]

17 32 18
                                    


Another day started and it started nicely.

Magkakasama kami ngayon nila Monique and we're surely having fun. Minsan na lang kasi kaming magkasama sama ng kaming tatlo lang dahil 'yong mga lalaki laging nakabuntot sa amin. It is truly nice to be alone with these girls.

We're just doing the usual stuff we're doing kapag kami kami lang ang magkakasama. 'yon ay ang kumain ng kumain!

"So ano? Magpapataba na lang tayo gano'n?" Pagbibirong reklamo ni Eunice.

"Oo, may mga boylet naman na tayo."

"After mong magbawas no'ng nasa Zambales ka babawiin mo na naman ngayon?" Kontrang sabi ni Monique sa akin.

Natawa na lang ako bigla ng maalala ko 'yong kadramahan ko no'ng mga panahong 'yon.

"'Di naman tayo magpapataba, we're just eating for fun. 'Tsaka 'di naman tayo nakakakain ng ganito lagi."

"Oo, mas'yado kasi kayong pabebe. Conscious pa ba kayo sa harap no'ng tatlo eh ang tagal na nating magkakakilala?" Seryosong tanong ni Monique.

"'Di naman sa nahihiya. Pero alam mo 'yon? Nakakahiya sa iba na mas malalakas pa tayong kumain kesa sa kanila." Depensang sabi naman ni Eunice.

Totoo namang mas malakas pa kaming kumain kesa kila Luke. Just like today, ang daming nakahain sa harap namin. It is sunday and this is the kind of sunday we're having. Puro pagkain ang nasa harap; burger, fries, chips, cookies, pizza, sodas at kung ano pang p'wedeng makain habang nagkuk'wentuhan at nanonood.

Para kaming mga bibitayin bukas at sinusulit ang mga huli naming sandali dahil sa mga kinakain naming to.

"Maiba ako, kamusta na nga pala kayo ni Luke? Ang daya n'yo kasi ni Monique eh, iniwan n'yo 'ko do'n sa tatlo." Reklamo na naman ni Eunice.

"Edi ba ikaw 'tong ayaw sa medicine? Ano'ng magagawa natin?" Sagot naman ni Monique sa kan'ya.

"Well, we're in good terms pero hindi naman kami."

"Hindi pa kayo niyan? Eh super sweet n'yo na, 'di ka na nga sumasabay sa'min ni Clyd umuwi."

"Syempre, alangan naman mag chaperone ako sa inyong dalawa. Ayaw kong mag third wheel no!"

"So ano? Magsesekreto ka na lang sa'min ni Monique gano'n?" Natawa na lang ako sa reaks'yon ni Eunice dahil para siyang batang hindi binigyan ng candy.

"Eu, there's nothing to tell. Wala naman kasing kung ano mang update. Pareho pa rin simula no'ng sa Zambales, ang kaibahan lang ngayon is that we're not just best friends."

"Edi mayroon nga kasi 'di na kayo mag-best friend!"

"Okay okay, we're not yet in a relationship pero alam n'yo naman nang nanliligaw siya right? At kahit naman hindi siya manligaw, itanong niya lang oo na ko agad!" They both looked at me like as if I'm too easy to get so I laughed.

"Tatawa tawa ka d'yan. Ang pangit tignan ng gano'n, kahit pa gaano mo siya kagusto you should play hard to get! Para may thrill at para wag niyang maisip na iwan ka na lang bigla dahil pinaghirapan ka niya." Sermon na naman sa akin ni Monique.

Well she's right, pero nagbibiro lang naman ako. Wala naman talaga akong balak na sagutin siya kasi kahit naman gaano ako kasaya na napansin niya na rin ako eh hindi pa rin naman ako siguradong wala na lang sa kan'ya si Deanne lalo na't ilang taon silang naging mag-on.

I can't take my mind off of it, syempre kahit sino naman mahihirapang mag move on sa mga nangyari between the three of us. Nagkaroon pa nga ng issue dati na baka raw galit ako kay Deanne dahil inagaw niya si Luke which is not true dahil unang una, 'di naman ako nagalit kay Deanne at pangalawa, walang siyang inagaw dahil 'di naman sa akin si Luke una pa lang.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon