[Prologue]

11 0 0
                                    


Nasa second floor ako ng school building ngayon habang naka-tanaw sa baba kung saan kita ko ang buong ground ng school. Hindi kalakihan ang campus namin kaya hindi malabong makita ko mula rito ang nangyayari sa baba.

Kalagitnaan na ng school year ngayong grade five ako at ngayon ko lang nakita ang mukhang ito sa campus namin, posible kayang new transferee ito at ngayon lang nag-enroll dito sa school?

Hindi ko kita ang mukha niya pero ang lakas na kaagad ng dating niya, simple ang pananamit at ang ayos ng buhok, mukha rin siyang malinis. Basta, ang lakas lang ng dating niya. Iba kung ikukumpara sa iba kong kaklase ngayon.

Tumunog na ang school bell at senyales na 'yon na dapat na akong bumalik sa klase na kaagad ko namang ginawa. Bumaba ako sa first floor at dumiretso sa classroom namin kung saan do'n naghihintay ang mga kaibigan ko. Naupo na ako sa upuan ko at naghintay na lang sa homeroom teacher namin na dumating. Mag-uuwian naman na kasi talaga, pero mayroon pa kaming isang oras para sa homeroom.

"Okay class, alam kong kalagitnaan na ng klase ngayon pero gusto kong i-welcome niyo si Luke na para bang kasama niyo na siya since first day." Introduction ng adviser namin, dahil alam naman nating lahat kung gaano kahirap ang maging "new kid" lalo na sa mga private school na gaya nito. Malaki ang posibilidad na maging outcast ang kahit sinong bagong pasok sa school.

"Yes, ma'am!" Sabay-sabay na sagot naming lahat at tumahimik no'ng pumasok ng classroom si Luke.

That's the same guy na nakita ko kanina, magiging classmate ko pala siya buong akala ko ay nauna siya ng isang taon sa amin.

"Lucas Ferrer, tawagin niyo na lang akong Luke." Matipid na sabi nito at tumahimik na rin. Sinabihan na lang siya ni sir na umupo na sa bakanteng upuan, at ang nag-iisang bakante ay ang upuan sa tabi ko. Lagi kasi akong sa likuran naka-upo, madalang kasing may makatabi rito.

"Grace, nice to meet you." Naka-ngiting pakilala ko sa kan'ya kasabay ng pag-upo niya. Hindi naman siya sumagot at ngumiti na lang din sa akin. Ang ganda ng ngiti niya, sana lagi kong makita ang ngiting 'to.

"Hoy Grace, baka matunaw ha." Birong sabi ni Dennise na kaklase at kaibigan ko rin simula ng pumasok kami sa school na ito. Grade 4 na kasi kami nagsimula dito, magka-batch kami ng pagpasok kaya naging magkaibigan din kami.

"Shh, h'wag ka ngang maingay d'yan." Bulong na saway ko sa kan'ya dahil baka marinig siya at maging issue pa ito. Namamangha lang naman ako sa ganda ng mga ngiti niya.

"P'wede bang bigyan mo ako ng tour sa campus after ng homeroom?" Bulong na sabi ni Luke habang bahagyang naka-lapit sa akin.

"Ah? Oo naman, sige." Nahihiyang sagot ko sa kan'ya, hindi ko naman kasi expected na bigla niyang sasabihin 'yon dahil hindi naman siya sumagot sa'kin kanina at ngumiti lang siya.

Nginitian niya lang ako ulit at nagbaling na siya ng atens'yon niya sa adviser namin kaya naman gano'n na lang din ang ginawa ko. May pailan-ilan kasing announcement ngayon si sir kasi october na rin, may battle of the bands na naman para sa oktoberfest, tapos may sportsfest din na kasunod. Kailangan naming mag-isip ng booth na magre-represent ng klase namin.

Wala namang espes'yal na nangyari, tahimik lang siya sa buong tour na ginawa namin pero halata naman sa kan'yang mabait at makulit siya. Kasama rin kasi namin si Dennise sa tour kahit pa ako lang naman ang inaya niya, baka kasi hindi ko siya mai-tour ng maayos. Ayaw ko namang masira ang tour dahil lang sa may makakalimutan ako o kung ano pa man.

Just like that, we became friends, laging magkasamang kumain, umuwi, magkatabi sa klase, nagtutulungan sa mga school works at sa lahat ng bagay. Biglaan na lang kaming nag-click, nagkasundo na para bang matagal na kaming magkakilala and eventually we became best friends.

My childhood has been really hard, simula pagkabata ko lagi akong may flu, infections at kung ano-ano pang sakit. Sa hindi malamang dahilan lagi akong nasa ospital, iba't ibang ospital na ang napuntahan namin para lang malaman kung ano'ng dahilan ng sakit ko.

I've been diagnosed with asthma when I was a kid, ngayon naman ay skin diseases na hindi malaman kung saan galing at kung ano'ng pinagmumulan nito. I've been told na may skin asthma ako dahil nawala 'yong asthma ko, eczema, psoriasis at hindi 'yon madaling gamutin lalo na kung sabay-sabay ito kung lumabas, kaunting mali sa gamot ay magkakaroon ng problema.

Hindi lang 'yon, marami na rin kaming family problems na kinaharap, hindi naging madali ang buhay namin, lalo na ng mom ko. Hindi naman kami mahirap, pero hindi rin kami mayaman. Isa na rin sa mga problemang kinakaharap ng mama ko ay ang problema ng papa ko. Hindi ko alam kung ilang beses na itong nangyari, pero nambababae kasi ang papa ko, at 'yon ang dahilan kaya nag-hiwalay sila ni mama and that's what pushed my mom to move to the U.S with my two younger siblings. Naiwan lang naman kami ni ate dito dahil nasa kalagitnaan kami ng pag-aaral ng mga panahong 'yon.

"Wag ka nang malungkot, malalampasan n'yo rin lahat ng 'to." Pagpapatahan niya sa akin dahil kanina pa ako umiiyak, nasa park kami ngayon dahil gusto ko lang sanang magpahangin. Pero ang ending, ito na naman kami at sa kan'ya ko na naman nailabas ang lahat ng problemang nasa isip ko.

"Sana nga, dahil hindi madaling malayo kina mama. Alam ko namang nasa edad na rin si ate, pero hindi madaling maiwan kaming dalawa ni ate rito. Kahit pa sabihin na nandito ang tita namin para bantayan at alalayan kami sa lahat, hindi naman laging nand'yan siya para sa amin dahil may sarili rin siyang buhay." Umiiyak pa rin na sabi ko. Hindi ko lang kasi ma-imagine kung gaano kahirap ang magiging sitwas'yon namin ni ate kapag umalis na nga sina mama.

"H'wag mo mas'yadong isipin ang mga mangyayari, malalaman mo na lang isang araw na okay na ang lahat." Naka-ngiti pa ring sabi nito na para bang wala siyang problema, at hindi malaking pagbabago ang nangyayari sa pamilya namin. "Matagal-tagal na rin kaming solo ni kuya Leo dahil nasa ibang bansa si mama para mag-trabaho. Naiiwan lang din kami lagi sa kamag-anak, pero tignan mo naman ngayon, okay naman ang lahat." Dagdag na k'wento niya pa para lang sabihing hindi ako nag-iisa at hindi naman mahirap ang sitwas'yon dahil nakayanan naman nila ng kuya niya. "I'll always be here with you. You have me. Hindi mo haharapin ng mag-isa ang lahat ng 'to." Dahil sa mga salita niya, gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko naman na hindi ako nag-iisang harapin ang sitwas'yong ito, nand'yan si ate George, si tita at ang lola ko. Iba lang talaga kapag may nagsasabi sa'yo ng mga bagay na kailangan mong marinig para mas tumatag ang loob mo.

Ever since that day, I've been dependent on him. He's been my rock, my solace. Hindi naman ako na-love at first sight sa kan'ya but I've fallen in love with him. I can't tell him how I feel about him because I'd rather not have him as my lover than lose a very good friend.

I won't lose him too.


Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon