[Nine]

17 33 17
                                    


"Hon, let's go. Late na 'yong mga bata"

"Sandali! Hindi pa nga ako tapos! Hindi mo naman kasi ako ginising agad, nakakainis ka."

"You sleep like an angel, ayaw kong sirain 'yon." Napangiti ako sa sinabi niya, pero hindi pa rin mawala 'yong pagsisigawan namin dahil nasa baba sila at nasa k'warto naman ako.

"Mom! Let's go! Hindi mo na kailangang magpaganda. Mahal ka ni dad!" and that's Lyle, my son. Kaparehong bolero ng tatay niya.

"Come on mom!" And that voice is from my bratinelang anak na si Ella.

Luckily, we had twins. Isang hirap lang, but I could say it was all worth it.

I suddenly felt someone touching my cheeks to my lips, kaya naman napadilat na lang ako. Bumungad naman sa'kin 'yong mga ngiting gustong-gusto kong nakikita.

Nananaginip na naman pala ako. Lately, I've been having dreams about my future. WITH HIM. At sana hindi lang hanggang panaginip lahat.

"Good morning." Inaantok na sabi ko, nginitian niya lang ako kaya naman napakunot ang noo ko.

"Matulog ka na lang kaya? Mas maganda ka kapag tulog e. Hindi maingay." Nahampas ko na naman tuloy ang braso niya na para bang instinct ko na 'yon lalo na kapag nang-aasar siya.

"Napaka mapanakit mo talaga, bumangon ka na nga."

"Napaka mapang-asar mo kasi, ang aga-aga."

"That's how much I love you." Hindi na ako naka-kibo dahil sa sinabi niya. Ang sarap talagang pakinggan ng mga salitang 'yan at lalo na dahil galing sa kan'ya.

Pag-labas niya ng k'warto, ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Alam ko naman kasing may lakad kami ng barkada. Hindi ko lang alam kung bakit ganito kaaga e nandito na 'tong isang 'to.

Palibhasa free access sila ni Kuya Leon dito sa bahay e akala mo bahay na rin niya ito. Minsan tuloy para na kaming mga magka-live in nila ate.

Ate and Kuya are engaged. Graduate naman na kasi sila, and they've been together since like forever. Kaya masaya akong nag-take na sila ng bigger step. They're planning to be married naman pag-graduate na kami ni Luke, para raw wala na silang iniintinding iba. Lalo na 'yong parents namin apat e parehong nasa ibang bansa.

I'm just so happy that everything's going great.

Monique and Clyd are going stronger. They are perfect!

Eunice and Ace are somewhat still the same, but on a different stage na rin. Ace is slowly being treated, at hindi na kasing lala ng dati ang sitwas'yon niya.

Devonne got her own boyfriend after entering college, wala nang kaso 'yong pagsira ko ng pact naming dalawa.

Deanne? I've heard nothing from her since we started college. I hope she's doing okay.

I've seen Chase after a long while, and he's doing really great. Ine-enjoy niya raw muna ang school at walang iniintinding pag-ibig. Kita naman sa kan'yang masaya siya, kaya masaya rin ako para sa kan'ya.

Namiss din ng barkada kasama itong si Chase, pero hindi naman namin maisama sa mga gala lagi. Luke still don't like seeing him around me, kaya iniiwasan din naming isama siya lalo na kapag nand'yan 'tong isa, iwas conflict na lang din. Wala akong oras sa mga tinginan nilang parang magpapatayan gaya ng dati.

"Graciella!!" and that's my que. Naiinip na siya.

Buti na lang at tapos na ako, kaya naman bumaba na rin ako pagkarinig ko sa kan'ya. Saktong pagbaba ko naman ay siyang labas ni ate at kuya mula sa kusina.

Games of Love: FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon