DAHONG HUGIS PUSO

3 1 0
                                    


     Minsang kumakain ang mag babarkada ay napatingin si Ariana sa transparent window at namataan niya sa labas ang isang matandang igorota: nanghihingi ng pagkain sa isang batang lalaking kumakain. Doon napatoun ang kanyang paningin, napahinto sa pagsubo ang dalaga at takang nag-isip...

    "Hindi naman siya mukhang pulubi ngunit bakit nanghihingi ng pagkain? Maayos naman ang kanyang pananamit wala kaya siyang pera? May kasa..."

"Hoy! Sinong titingnan mo? Puna ni grace Ann na ikinagulat nito.

"Ahh, iyon ba?" Bahagyang sumulyap sa labas  si angel.

    "Ganyan naman talaga ang ibang igorot eh, bababa ng maynila at nanghihingi ng limos. Nagmumukha tuloy kawawa pero huwag ka, karamihan sa kanila ay may sinasabi rin sa buhay," paliwanag naman ni jessel.

    Matapos magmeryenda ay dali-daling binalot ni Ariana ang di naubos na french fries at ang hindi nagalaw na tuna sandwich. Kanya itong dinala na dati-rati'y hindi niya ginagawa. Palinga-linga pa ito paglabas ng snack bar. Patawid  na ang magkakaibigan nang mapalingon si Ariana ayun ang matandang igorota, nakaupo sa gilid ng bangketa! Ewan kung bakit siya lumapit dito at iniabot ang nakabalot na pagkain. Hindi lamang iyon kundi dumukot pa ang dalaga sa bag at binigyan ng P200.00 ang matanda. Para kasing nahahabag siyang di mawari.

     Nagpasalamat at ngumiti ang matandang igorota kay Ariana. Sa pagsasalubong ng kanilang mga mata ay may gumapang nakilabot sa katauhan ng dalaga.bilang isang estudyanteng kumukuha ng psychology ay nakaaninag at nakaramdam siya ng di pangkaraniwan sa pagkatao ng matanda. Nagkatinginan at nagtaka nang gayun na lamang sina angel ,grace ann at jessel. Hindi ito basta naawa. Palibhasa'y lumaking sagana sa lahat ng bagay, kaya hindi nito alam ang damdamin at nararamdaman ng isang naghihirap.

DAHONG HUGIS PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon