Ipinapasyal sa bukirin ang matanda tuwing umaga upang ito ay masikatan ng araw. Parang batang kinukuwentuhan ng mga fairy tale na nauuwi lamang sa pagtatawanan ng mag- ale.
Habang abala si Ariana sa pag-aalaga kay Tita Carmen ay gayundin si Mario, kasa-kasama naman siya ni Tita Remedios sa bukid. Subali't kadalasan ay nasa kabilang barrio ang binata at doon nagpapalipas ng gabi sa tahanan ng kaibigan niyang asendero. Nalilibang kasi si Mario sa pangangabayo kasama si Carlito sa paglilibot sa malawak nitong lupain. Madalas banggitin ng binata sa kapatid ang tungkol sa kanyang kaibigan.
"Talagang pang-masa ang dating, napaka-humble. Imagine sis, ubod ng yaman, agriculture lang ang tinapos Tumutulong pa sa pagtatrabaho gayung napakarami naman niyang manggagawa. At alam mo sis, binata pa rin, tulad ko. Payag ka ba kung isasama ko siya rito para magkakilala kayo?" mungkahi ni Mario sa kapatid.
"WHAT? Kuya, kung gusto mong magtagal pa ang pagbabakasyon ko rito,
huwag na huwag kang magsasama ng kahit sinong kaibigan. Wala akong balak na makipagkilala sa kanila at lalong hindi ko type ang amoy-lupa! Sina Tita lamang ang dahilan kung bakit ako narito and nothing else."
Napakamot na lang sa ulo si Mario,
umiral na naman ang pagkapihikan ng kapatid.Hindi masukat ang kaligayahang naidulot ni Ariana sa buhay ni Tita Carmen buhat nang ito'y dumating. Ang higit na nasiyahan ay si Tita Remedios sapagkat napansin nito ang malaking pagbabago ng kanyang Ate. Bumalik na ang dating gana nito sa pagkain, sumigla ang katawan at nawala ang pagiging bugnutin. Talagang mahusay mag-alaga ang kanilang pamangkin, kaya lalong napamahal.
Si Ariana sa mga tiyahin. Ikinatuwa iyon ng dalaga dahil di na siya mangingiming mag- usisa sa anumang bagay na ibig niyang malaman tulad halimbawa ng pamamalagi ni Tita Carmen sa wheel chair gayung wala naman itong sakit, ano ang dahilan?
Mahusay na psychologist si Ariana, magaling magsalita at magpaliwanag ng mga bagay-bagay na maaaring maganap kaninuman, kaya ang pagsasakit-sakitan ng tiyahin ay nagawa niyang tanungin nang di nahahalata. Ang dahilan pala ng pananamlay ng matanda ay ang matinding pangungulila sa mga yumaong magulang. Sa tuwina'y sinasariwa pa rin sa isipan ang masaya nilang buhay noon. Nadagdag pa ang takot at pangamba na kinuyom nito sa dibdib kung sakaling mag-asawa si Remedios. Hindi siya makapapayag mahal niya ang kapatid at ayaw niyang may kahati sa pagtingin nito! Maagap namang nabigyan ng kasiya-siyang
kasagutan ang tinuran ng tiya.
'Di natin dapat itanim sa isipan ang kahapon at mabuhay ng para sa kahapon lamang. Tapos na iyon at di na muling maibabalik pa. Bakit di na lang nating tanawin ang bukas at paghandaan ang anumang pagsubok na maaaring dumating pa? Kung may suliranin, harapin ito ng buong tatag, huwag magmukmok at magsawalang-kibo na lamang. Discuss it and you'll see Tita, in every problem there is a solution. Napakaganda ng buhay, huwag nating sayangin. Huwag ninyong isipin na walang nagmamahal sa inyo. Narito si Tita Remedios, my parents, my brothers at ako. We love you Tita and we care for you very much." Pumatak ang luha ng dalaga sapagkat ang katagang pagmamahal ay mula talaga sa kanyang puso.
Ang mga pag-aalinlangan at agam- agam na nakakubli sa damdamin ng tiyahin sa mahabang panahon ay naihayag nito sa pamangkin. Kinatakutan pala ng matanda ang nabalitaan niyang pakikipagbalikan ng dating katipan ng kapatid. Ayaw niyang mag-asawa si Remedios! Ayaw niyang maiwang mag-isa! Kaya minabuti na lang ni Tita Carmen ang magkasakit at huwag nang gumaling sa gayun ay masarili niya ang atensiyon ng kapatid. Wari'y isang anghel si Ariana na humawi sa makapal na ulap na nakatabing sa bughaw na langit.Siya ang nagbigay ng wastong liwanag upang ang nakapinid na puso ni Tita Carmen ay muling mabuksan sa pagmamahal at pang-unawa sa bunsong kapatid. Ngayon ay pumapayag na ito na magpakasal si Tita Remedios sa dati nitong nobyo na isa nang biyudo at may tatlong anak. Si Alexander ang una't-huling lalaking minahal ni Remedios. Ang pag- iibigan ng dalawa ay mahigpit na tinutulan
ni Carmen noong araw. Ayaw nito sa binata sapagkat isa lamang itong jeepney driver. Pagkaraan ng maraming taon muling nagbalik si Alexander sa kanilang nayon. Ngayon ay nagkaroon na rin nang katuparan ang pagmamahalan ng dalawa at iyon ay dahil kay Ariana na labis na pinasalamatan ng magkasintahan.
Tapos na ang 15 days vacation ni Ariana, kailangan na nitong bumalik ng Maynila. Si Mario naman, dapat ay noon pa ito umuwi sapagkat ang usapan, siya ang maghahatid kay Ariana at si Amel naman ang susundo, subali't nalibang ang binata sa pagsama palagi kay Carlito. Nang paalis na sila ay nagtaka si Mario nang kusang magpaiwan ang kapatid at pinagbilin na lang sa kanya ang paghingi ng extension sa vacation leave nito: Lingid sa kanilang lahat ay binabalak pala ng
Ito ang dalagang magsiyasat upang alamin kung may katotohanan nga ang lahat na kanyang nakita sa panaginip. pagkakataon upang isagawa ang malaon nang binabalak kaya sasama siya kapag may nagpunta sa bukid.
Subali't dalawang araw na ang nakalipas buhat nang umuwi si Mario ay wala pa ring gumagayak na magtungo sa taniman. Abala ang kanyang mga tiyahin sa nalalapit na kasal ni Tita Remedios. Paano nga naman niya matutuklasan ang kahulugan ng panaginip kung nasa loob lang siya ng bahay. Minsan naitanong niya...
"Akala ko Tita Carmen, itong Bukidnon ay isang lugar na bulubundukin. Eh, bakit puro kapatagan itong nakikita ko?"
"May bahaging bulubundukin ngunit nataon na malawak ang nasakop nating kapatagan hanggang hangganan sa may burol
![](https://img.wattpad.com/cover/347895776-288-k502811.jpg)
BINABASA MO ANG
DAHONG HUGIS PUSO
Science FictionIKAW BA AY ISANG KATOTOHANAN? IKAW NA BA ANG KASAGUTAN SA AKING MGA DALANGIN NA MAGBIBIGAY WAKAS SA AKING PAGHIHINTAY? O ISA KA LAMANG PANGITAIN NA SA ISANG KISAPMATA AY MAGLALAHO?