DAHONG HUGIS PUSO

3 1 0
                                    

lumuluwas sila ng Maynila ay noon lamang nangyari na mapahiwalay ito sa kanila. Akala ng mag-asawa ay nakauwi na ang ina. Gayun na lang ang kanilang pantulumo nang matuklasang wala sa bahay si Impong Meyang. Pinasiya nilang bumaba ng Baguio sa kinabukasan upang ito ay hanapin, ngunit maagang dumating ang matanda.

Mula noon laging binabanggit sa kanila ni Impong Meyang ang tungkol sa magandang dalaga na nagmagandang- loob sa kanya. Pinangarap ng matanda na muli itong makita at lubusang makilala.

Natuwa si Manang Mayang. Tama ang kanyang ina, tunay ngang maganda at mabait ang dalagang si Ariana na medyo nagulat nang makita ang matanda sa loob ng snack bar. Maya-maya pa'y masaya na silang nag-uusap.

DAHONG HUGIS PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon