Burol? Bakit di ko natatanaw?"
"Mangyari medyo mababa itong lugar natin at natatakpan pa tayo ng mga matataas na punongkahoy. Hamo, pag natapos ang mga inaasikaso namin ni Remedios ay papasyal tayo sa bukid. Matagal na rin na hindi ako nakapupunta roon," pangako ni Tita Carmen sa dalaga.
Kailan kaya iyon? Hindi na yala Nais niyang makapaghihintay ang nananabik na dalaga na di makita ang burol. malaman kung ito na nga ang burol sa kanyang panaginip. Nag-isip ng paraan... ng dahilan... kung paano siya makakapasyal sa bukid na nag-iisa. Wala, tila wala siyang maisip hanggang makatulog ito sa kaiisip.
Kinabukasan narinig niyang magtutungo sa Malaybalay ang kanyang mga tiyahin upang doon magpatahi ng damit-pangkasal si Tita Remedios. Ito na ang pagkakataon, naisaloob ng dalaga. Kaya nang yakagin si Ariana ng mga tiyahin ay nagkunwari itong masama ang pakiramdam. Di naman nagtagal ay dumating si Alexander, dala ang kanyang owner jeep at siya mismo ang nagmamaneho, kaya hindi na kailangang isama pa si Manong Andoy.
Lalong nagalak ang dalaga nang magbilin si Tita Carmen sa kanilang driver na sumaglit sa bukid. Pinabibigay ang mga buto ng halaman sa katiwala roon. Napangiti si Ariana sa kanyang naisip. Nang makaalis na ang mga tiyahin ay gumayak na rin ang dalaga. Lihim na binabantayan si Manong Andoy baka bigla itong umalis. Datapuwa may mga ginawa pa ang lalaki, kinumpuni pa nito ang kaunting diprensiya ng makina at tuloy nilinis na rin. Hapon na nang ilabas ni Manong Andoy ang sasakyan. Ang dalawang katulong pa nga ang nagbukas at nagsara ng gate. Walang kamalay- malay ang mga ito, lalo na ang nagmamaneho. na nasa loob ng sasakyan ang pamangkin ng kanilang amo.
Hindi naman nagtagal ay huminto ito sa tapat ng isang sementadong bahay at bumusina. Isang may edad na lalaki an dumungaw at kapagdaka'y bumaba.
"Oy, Pareng Andoy, unsa bay at Nasaag ka man. Kamusta sila Ma'am? nakangiting tanong ng katiwala. (0 Pareng Andoy, ano ba ang atin? Naligaw ka.)
"Mao gani ako mianhi, kay gisugo ako n Ma'am Carmen sa paghatag niining liso kanimo." (Kaya ako pumarito, inutusan ako ni Ma'am Carmen para ibigay itong mga buto ng halaman sa iyo.)
'Diay ba? Kanaog usa diha didto ta sa sulod sa balay mag-estoryahay samtang nag-inom og tuba," pamimilit ng katiwala. (Gayun ba? Bumaba ka muna riyan, doon tayo sa loob ng bahay magkuwentuhan habang umiinom ng tuba.)
Walang nagawa si Manong Andoy kundi sumunod sa nang-anyaya, sabagay matagal na rin siyang di nakakainom ng tuba.
Sumilip si Ariana at tinanaw ang dalawang lalaki hanggang makapasok sa loob ng bahay. Luminga ang dalaga, wala siyang nakitang tao kaya nagmamadaling bumaba ng sasakyan at tumakbo sa maisan sa kabilang kalsada. Nagpatuloy sa paglakad ang dalaga na parang kabisado ang patutunguhan, gayung ngayon lang siya nakarating sa pook na iyon at napasuot pa maisan. Tuwang sa pinagmasdan ang malulusog na punong- mais na lampas tao at sa bawat puno ay may tig-dalawa o tig-tatlong bunga. "GANITO PALA ANG MAIS?" masaya niyang naibulong sa sarili. Sa pag-iisa ni Angelic ay wala siyang kabang naramdaman, pakiwari pa nga niya, isa siyang ibon na nakakawala sa hawla sapagkat mula sa pagkabata ay di pa siya pinayagang lumakad na nag-iisa ng kanyang mga magulang at mga kapatid.Spoiled nga siyang masasabi ngunit over. protected naman.
Tuluy-tuloy ang ginawang paglakad ng dalaga upang makatiyak na di pabalik-balik ang kanyang paglalakad. Pagod na siya ngunit kailangan niyang magpatuloy. Hanggang makalabas din ito sa malawak na maisan at buhat doon matatanaw na ang burol. Dagling napawi ang pagod at hirap na naramdaman ni Ariana sapagkat iyon na nga ang nakita niya sa panaginip: ang burol na may nag-iisang punongkahoy sa tuktok! Habang nagmamadali sa paglakad ang dalaga ay bumibilis din ang tibok ng kanyang puso. Malapit nang lumubog ang araw kaya tiniis nito ang hirap sa pag-akyat sa nasabing gulod. Sa wakas, narating din niya ang itaas at humihingal sa pagod na napaupo ang dalaga sa nakausling ugat ng nag-iisang puno sa tuktok.
Humihiyaw ang puso ng dalaga, hindi nga siya nagkamali! Masayang tinanaw ang pinanggalingan. Diyata't kaylayo ng kanyang nalakad? Halos di siya makapaniwala na naakyat niya ang burol na kaytaas din pala. Mula roon ay abot- tanaw ng dalaga ang buong lupain ng mga tiyahin na di niya pinagsawaang hagurin ng tingin. Nang ibaling nito ang paningin sa kabila ay napamulagat siya sa nakita. Di- malipad uwak ang bukiring natanaw kaya biglang lumiit ang lupain nina Tita Carmen kung ihahambing sa kabilang asyenda.
"Ito kaya iyong asyenda ng kaibigan ni Kuya Mario?" naitanong nito sa sarili.
Tumayo si Ariana at bahagyang lumapit sa gilid ng gulod, hinayaang laruin ng hangin ang kanyang maitim at malasutlang buhok na hanggang balikat. Nakatanaw sa kanluran ang dalaga, pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Ang malamlam nitong sikat na wala ng init. wala na ring sigla na naghahatid lamang ng lungkot sa puso't diwa ni Ariana Nagbalik sa kanyang ala-ala ang kahapon, ang masayang kahapon kapiling ang mga kaibigan na sina Angel, Grace ann at Jessel Masayang gunitain ang nakaraan, ang kanilang pagbibiruan at pagtutuksuhan datapuwa makadarama lamang siya ng pangungulila pagkatapos. Napatingin si Ariana sa kalawakan at sa isipan ay..."Nasaan na kaya ang mga kaibigan niya? Naalala pa kaya siya ng mga ito? Maybe yes... maybe no... walang katiyakan."
Sa pag-iisa ngayon ng dalaga sa tuktok ng burol, sa gitna ng malungkot at tahimik na kapaligiran, tila di na nito makakaya ang kapanglawang nadarama. Wari'y hinahanap na ni Angelic ang maingay, magulo at masayang lunsod ng Maynila subali't tumututol naman ang puso niyang
umuwi, para itong may hinahanap! Para tuloy nagkaroon ng kulang sa buhay niya ngayon, ano kaya iyon? Para siyang nangungulila, kanino? Muli, naupo ang dalaga sa nakausling ugat at sumandal sa puno, ipinikit ang mga mata at siya'y napaidlip.
Nagulantang si Ariana sa pagkakaidlip dahil sa naulinigang mga yabag ng kabayo, papalapit. Biglang kinabahan ang dalaga, ang kanyang panaginip! Ngunit paano kung iba ang dumating na ito? Paano kung isa itong taong-labas, pangit, madungis, mabaho at mabagsik? At pagtangkaan siya nang di mabuti, ano ang kanyang gagawin? "OH, MY GOD!" gumapang ang kilabot sa buo niyang katauhan sa labis na sindak.
Para siyang itinulos; hindi niya magawang lumingon. Gusto niyang tumakbo, di naman makakilos, binalak niyang tumalon lalong di niya magawa Kaya ipinikit na lamang ng dalaga ang kanyang mga mata nang maramdamang bumaba ng kabayo ang lalake. Bahagya itong lumapit sa kanyang kinauupuan. Alam ni Ariana na pinagmamasdan siya nito kaya inihanda na lamang ang sarili sa anumang mangyayari. Datapuwa di na tuminag ang lalaki sa pagkakatayo at pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan ay saka pa lang ito naglakas-loob na magsalita. Malumanay at malungkot na tinig, punong-puno ng mga katanungan
IKAW BA AY ISANG
KATOTOHANAN? IKAW NA BA ANG KASAGUTAN SA AKING MGA DALANGIN NA MAGBIBIGAY WAKAS SA AKING PAGHIHINTAY? O ISA KA LAMANG PANGITAIN NA SA ISANG KISAPMATA AY MAGLALAHO? Huwag naman sana..."
Kaakit-akit ang boses ng lalaki, lilingon sana ang dalaga ngunit nagpigil siya sa sarili, muli nagpatuloy ito... ikw na sana ang magandang binibining nagpatibok at bumihag sa aking pusot damdamin. Umalipin sa aking kaluluwat isipan upang sa tuwina ay tunguhin ang burol na ito at baka sakaling siya ay matagpuan. Sana ay ikaw na nga ang babae sa aking panaginip..."
PANAGINIP? Hindi na hinintay ni
Angelic na matapos sa pagsasalita ang lalake. Kapagdaka'y humarap siya at kapwa sila nagitla sapagkat..."IKAW?" Sila palang dalawa ang tinutukoy ng kani- kanilang panaginip! Bugso ng kagalakang nadama ay di sila nakapagpigil na hindi magyakap. Para silang dating magkasintahang nagkalayo at ngayon lang muling nagkatagpo. Kapwa may panghihinayang kung bakit ngayon lang sila nagkakilala na dapat ay noon pa sana

BINABASA MO ANG
DAHONG HUGIS PUSO
Ciencia FicciónIKAW BA AY ISANG KATOTOHANAN? IKAW NA BA ANG KASAGUTAN SA AKING MGA DALANGIN NA MAGBIBIGAY WAKAS SA AKING PAGHIHINTAY? O ISA KA LAMANG PANGITAIN NA SA ISANG KISAPMATA AY MAGLALAHO?